Writer's Chapter Forty-Four

92 62 0
                                    

12PM nang ayain kong lumabas si Doc para maglunch. Kanina pa kasi tumatawag sa'kin ang kapatid niya pero ayaw niyang ipasagot sa'kin. He didn't even want me to text Ate Cheska para sabihin dito na nagpapahinga pa siya.

Doc and I just watched an action movie habang nakahiga sa mahabang sofa. Nakahiga kaming dalawa patagilid at siya ang nasa likod ko. He's hugging me from the back at bawat sampung minuto yata ay hinahalikan niya 'ko sa ulo.

Hila-hila ko si Doc habang naglalakad kami papunta sa restaurant ng resort. Hindi naman mabilis ang mga hakbang ko pero naiiwan ko siya kaya nag-iistretch ang kamay kong hawak niya.

Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya. Nakatingin siya sa baba at bahagyang nakakunot ang noo. Ano kayang iniisip nito?

"Doc, ayaw mo pa ba talagang lumabas? Okay lang naman sa'kin kung bumalik ka na sa room. Ako na lang ang kukuha sa lunch natin at sasabihin ko na lang sa kanila na nagpapahinga ka. You know, alam ko na wala kang maayos na pahinga dahil sa mga dumadaming pasyente kaya okay lang kung ngayon ka babawi ng tulog. Maiintindihan naman namin."

Nag-angat siya ng tingin sa'kin. Bahagyang umaliwalas ang mukha niya pero hindi ko pa rin makita sa mga mata niya na masaya siya.

"Are you worrying about your patients? Iniisip mo ba sila kaya wala kang ganang lumabas? It's fine, Jonathan." Huminga ako ng malalim. "Bumalik ka na sa room. Dadalhin ko na lang do'n ang pagkain mo. 'Wag ka ng mag-alala. I'm sure Kuya Pierre's taking a good care of your patients."

Pinisil ko ang kamay niyang hawak ko at dahan-dahang bumitaw. Nagbaba siya ng tingin sa kamay niyang naiwan sa ere. Bahagya ring umawang ang bibig niya.

"Kung gusto mo, tawagan mo si Kuya Pierre or kung sino mang kilala mo do'n. Ask them about your worries. Gawin mo kung anong ikapapanatag ng loob mo. Wala namang magagalit sa'yo. Tsaka kaarawan mo ngayon, walang magbabawal sa'yo," sabi ko pagkatapos ay ngumiti ng tipid kahit hindi niya makikita dahil nakayuko pa rin siya. "Balik ka na sa room, Doc. Ako na'ng bahala sa pagkain mo. Magpahinga ka na do'n. Do whatever you want. Talk to Dr. Amanda or your Angel, I won't mind."

Nag-angat siya ng tingin sa'kin. Siguro dahil sa huling sinabi ko. But I'm serious about that. Hindi ko siya pakekealaman sa gusto niya. Kung gusto niya silang kumustahin, go on. At isa pa, matagal na rin nung huli niyang nakausap ang Angel niya. Baka namimiss na niya ito.

"Punta na 'ko sa restaurant, Doc. Hintayin mo na lang ako sa room."

Nagsimula ako sa paglalakad ng may tipid na ngiti sa labi. I'm not mad nor annoyed or what. In fact, I don't really feel anything. I should not feel anything dahil araw niya ito. Siya ang importante ngayon, hindi ako o ang iisipin ko.

"I'm worried about you, James." Isang pangungusap ang nakapagpahinto sa paglalakad ko. "I'm worried because it probably still hurts. It was your first time and I saw how hurt you were."

Kumalabog ang dibdib ko. Parang may nagbato ng granada sa loob kaya napatakbo ang puso ko ng mabilis.

"Okay lang ako, Doc. Hindi na gaanong masakit. Pwede ka na ngang pumasok uli eh," sabi ko na sinamahan ng kaonting biro at tawa.

Naramdaman ko ang presensiya ni Doc sa gilid ko. Hinarap niya 'ko sa kanya at tinitigan ang mga mata ko.

"Are you sure?"

Tumango ako at nginitian siya. "Oo naman, Doc. Gusto mong subukan?" biro ko pero kumunot lang ang noo niya. Oo na, titigil na.

Magkahawak kamay kaming dumating sa restaurant. All of them are already there at kami na lang ang hinihintay. Hindi pa kasi sila nagsisimulang kumain, nagkukwentuhan lang sila.

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now