Writer's Chapter Forty-One

87 56 0
                                    

MABILIS lumipas ang mga araw. Nakauwi na 'ko sa Pampanga at si Doc naman ay bumalik na sa Manila.

Today's Sunday at kasalukuyan kong kausap si Doc habang nanonood ako ng KMJS.

"Ang tagal ng birthday mo, Doc."

Tumawa si Doc sa screen. Oo na. Alam kong mas mukha pa 'kong excited kaysa sa may birthday pero gusto ko na kasi siyang kantahan ng Happy Birthday.

"What day is it, baby?

Napasimangot ako sa tanong niya. Sarili niyang birthday hindi niya alam kung anong araw. Siguro dahil sobrang busy niya ay hindi na siya nakakasilip sa kalendaryo. Alam niya ba kung anong araw kahapon at ngayon? Baka naman lumilipas na lang ang mga araw ng wala siyang ideya kung Monday na ba o ano. O baka wala silang kalendaryo sa hospital?

"Tuesday ang birthday mo, Doc. May pasok ka pero dapat magleave ka. Hindi pwedeng sa hospital ka magcelebrate. Dapat kasama mo 'ko sa birthday mo. Kung hindi ka uuwi dito, ako ang magdadala ng cake sa St. Luke's. I don't care kung makipagbirthday ang virus basta dapat nasa tabi mo 'ko sa araw na 'yon."

"We can re--"

Nawala ang atensiyon ko kay Doc nang marinig ang sinabi ni Jessica. Tumingin ako sa TV dito sa room ni Doc at doo'y nakita ko ang isang babaeng inabutan na ng panganganak sa sinasakyan nilang jeep. Nasa harap sila ng isang hospital at mukha itong pamilyar sa'kin.

Pumasok ang isang naka cover alls na doctor sa loob ng jeep. Gabi ito nangyari kaya medyo madilim.

Ang pumasok na doctor ay sinimulan ang pagpapaanak sa babae. Pigil ang hininga ko habang pinapanood ang mukhang nahihirapang babae. Bigla tuloy akong natakot. Kaya ko bang manganak? Baka isang ire ko pa lang patay na 'ko.

Nang mailabas ang bata ay nangingitim na ito. My gosh!

Dinala ng doctor ang bata sa ibabaw ng tiyan ng Mama niya. Siguro'y para maramdaman ng bata ang Mama niya. Pagkatapos ay may kinuha ang doctor sa loob ng ina ng bata at ito siguro ang sinasabi nilang inunan ng bata. Then pinutol ng doctor ang cord na nakadugtong sa pusod ng bata.

Binuhat ng doctor ang baby tsaka siya lumabas ng sasakyan. Ang nagvivideo ay sinundan ang doctor hanggang sa makapasok sila sa loob ng hospital. Doon ko napansin na matangkad pala ang doctor. Parang kasing tangkad ni Doc.

The doctor started pumping the baby's chest. Ang dalawang thumb niya ang gamit niya at habang nirerevive niya ang bata ay maririnig sa video ang pag-iyak ng sa tingin ko'y mga kamag-anak ng bata. They keep on praying but still nothing. Mukhang pagod na pagod na rin ang doctor siguro dahil kanina pa siya sa hospital at heto siya ngayon, nagrerevive ng isang sanggol.

Sa gitna ng iyakan ay isang iyak ang nangibabaw. Ang iyak ng bagong silang na sanggol. Unti-unti na ring nawawala ang pangingitim nito.

"The baby's alive!" hindi ko napigilang sabi.

Tuwang-tuwa ako not just because the baby's alive pero dahil din sa unang iyak nito. Ganito pala kapag may bagong silang na bata. Kahit hindi mo kilala ay madadala ka. Maiiyak at matutuwa. Gaya na lang ng doctor na nasa TV. Niyakap niya ang bata na parang sarili niyang anak.

Bigla ko tuloy naimagine si Doc na siya ang doctor sa TV.

Nakangiti kong pinunasan ang mga luha ko at ibinalik ang tingin sa screen ng laptop na nasa ibabaw ng tiyan ko habang nakahiga ako sa mahabang sofa.

"Kasing tangkad mo 'yung doctor sa TV, Doc."

Ngumiti sa'kin si Doc.

"Do you like him?"

"Him? Kilala mo siya?"

Tumango si Doc pero hindi nagsalita.

"Ang cool niyang tignan, Doc. Ang galing niya nung nirerevive niya ang baby. Hindi siya naggive up kahit mukhang pagod na siya. Tapos nung umiyak 'yung baby, niyakap niya," tuwang-tuwa ako habang nagkukwento kay Doc. Binabalikan ko ang napanuod ko. "Ang sarap siguro sa pakiramdam no'n noh, Doc? Nagbunga 'yung paghihirap mo. At sobrang saya pala sa pakiramdam ang makarinig ng unang iyak ng isang baby. Parang isang anghel na nagbigay ng bagong pag-asa sa lahat."

A Writer's Diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon