Writer's Chapter Forty-Six

85 59 0
                                    

ISANG buwan ang lumipas pagkatapos ng kaarawan ni Doc. Maraming nangyari at nagbago. The virus' still spreading around the world. At isa na ngayon ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso sa Southeast Asia. Higit isang libo at minsan ay umaabot pa ng tatlong libo ang mga nagpapositive bawat araw. Dahil sa dami ng mga pasyenteng dinadala sa hospital ay lalong naging busy ang mga doctor. Isa na do'n si Doc. Halos hindi ko na siya nakakausap at halos hindi na siya umaalis sa hospital.

Araw ng linggo ngayon at ang alam ko ay off ni Doc tuwing linggo pero hapon na ay wala pa rin akong narereceive na text, chat o tawag mula sa kanya. Kaninang umaga ko pa siya tinatawagan pero hanggang ring lang. Never niyang sinagot kahit isa man lang sa mga tawag ko.

Bumuntong hininga ako at bumangon mula sa pagkakahiga sa kama niya. Lumabas ako sa bahay niya at tinungo ang kabilang bahay. Wala sina Mama at Jane kaya mag-isa lang ako. They went outside para mamigay ng relief goods. Gusto kong sumama sa kanila pero pinagalitan ako ni Mama. Mas delikado daw ngayon para sa'kin ang lumabas.

Pero mas delikado dito. Ako lang mag-isa. Wala sila at wala rin si Doc. Wala ngang Covid pero puno naman ng kalungkutan. Wala akong mapaglibangan dahil agad akong nawawala sa mood. Miss na miss ko na si Doc at pakiramdam ko hinang-hina ako. Ni hindi ko magawang ngumiti.

Lumabas ako sa terrace ng bahay namin. Siguro naman kung makakalanghap ako ng sariwang hangin ay bahagyang bubuti ang pakiramdam ko.

Humiga ako sa mahabang sofa at pumikit. Gusto ko munang matulog para makalimutan ang mga iniisip ko. Para makalimutang mag-isa lang ako sa malawak na lugar na ito ngayon.

Napabalikwas ako ng higa dahil sa magkakasunod na busina. Mabilis akong tumayo para tignan ang gate. Siguro nandito na sina Mama. Pero bakit kailangan pa nilang bumusina?

Nang makitang hindi sa amin ang binubusinahan ay babalik na sana ako sa pagkakahiga pero hindi ko mapigilang macurious. Sa tapat kasi ng gate ng kapitbahay namin ay may mga nakaparadang motor. Mga nakaunipormeng delivery men ng Grab, Food Panda at iba pa ang naroon.

Mabilis akong lumabas at lumapit sa gate namin. Binuksan ang maliit na pintong daanan ng tao.

"Uhm. Excuse me," tawag ko sa pansin nila.

Sabay-sabay silang lumingon sa'kin.

"Are you delivering food in that house?" Tinuro ko ang kabilang bahay.

Tumango ang ilan sa kanila. Napakamot naman ako ng ulo. This is too awkward. At paano ko ba sasabihin?

"Bakit po, Miss? May problema po ba?" magalang na tanong ng isang lalaking may hawak na ilang box ng pizza.

"Nasa ibang bansa po kasi ang mga nakatira diyan. Almost 2 years na sila do'n. Are you sure about the address? Baka nagkamali lang kayo dahil walang tao diyan."

Dahil ang ilan sa kanila ay hindi na suot ang helmet at facemask ay kitang-kita ko ang disappointment sa mukha nila. Ang iba ay naiiling at ang iba naman ay iniliko na ang mga motor para maghandang umalis.

"Thank you for informing us, Miss," sabi ng isa na nakasakay na sa motor at handa ng umalis.

But wait.. Don't tell me na-scam din sila?

Sa nakalipas na ilang linggo ay laging may nalolokong delivery men dito sa lugar namin. Minsan pinapapunta sila sa bahay na walang nakatira at madalas ay sa mga okupadong bahay. Pagdating do'n ay magugulat na lang ang mga nakatira sa bahay dahil wala naman silang inorder.

Ilang beses ng nareport ang ganitong pangyayari sa otoridad at minsan na din itong nabalita sa local news. Pero hindi pa pala tumitigil ang panloloko sa mga delivery men. 'Yung mga nasa likod ng panlokong ito ay hindi pa rin natutukoy hanggang ngayon. I bet they are still laughing their ass out right now.

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now