Writer's Chaper Three

194 149 0
                                    

NAGISING ako sa isang puting kwarto but I know that this isn't a normal room dahil sa mga machine on the sides of my bed. There's a digital monitor where I can see my vital signs.

Kumunot ang noo ko. I removed the tight oxygen mask from my face at sinubukang umupo kahit nahihirapan.

Tinignan ko ang sarili ko. I'm wearing a pair of pajamas but the lower part of my body was covered with a comforter.

Lumingon ako sa kanang gilid ko where I saw a glass window kung saan nakikita ko ang nasa tapat ng room na kinalalagyan ko. I saw no one outside. Kahit nurse wala kaya wala akong mapagtanungan.

Pinakiramdaman ko ang katawan ko kung may masakit ba o ano but nothing. Bukod sa namamanhid kong kamay ay wala ng ibang kakaiba.

I removed the comforter at dahan-dahang bumaba sa kama. Inalis ko rin ang nakasaksak sa kamay ko. Pati ang device na nakakabit daliri ko ay tinanggal ko.

Dahil walang kahit anong sapin sa paa akong nakita sa loob, I tiptoed because of the cold tiles. Hindi nakatulong ang heater sa pagbawas ng lamig sa tiles. Parang yelo ang inaapakan ko that's why I decided to be fast. Muntik pa 'kong matumba nang mawala sa pagkakabalanse, buti na lang nakahawak ako sa pinto.

I opened the door at sumilip sa labas. Walang ibang tao bukod sa lalaking nakaupo sa sahig. Nakasandal ito sa pader sa ilalim ng glass window. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasubsob sa isang tuhod na nakafold. Ang isang paa naman ay diretso lang sa sahig. Pero kahit nakaupo, mahahalata pa rin na matangkad siya. Ang haba ng binti eh.

Pero anong ginagawa nito dito?

Bahagyang gumalaw ang lalaki. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapansin ang coat na suot niya. Kulay puti ito katulad ng sinusunot ng isang doctor. Dahan-dahang nag-angat ng mukha ang lalaki at ganun din ang naging pag-atras ko, dahan-dahan.

Parang nag slow motion ang paligid dahil sa paglingon niya. Pati pagkalaglag ng panga ko ay slow motion din. Pati ang panlalaki ng mga mata niya.

"James!" gulat niyang tawag sa'kin gamit ang first name ko.

"Lagot," naibulong ko nang tumayo siya. "Wala ako dito. Nananaginip ka lang."

Dali-dali akong bumalik sa room na pinanggalingan ko. Humiga ako sa kama at nagkumot. Sinuot ko rin uli ang oxygen mask na inalis ko kanina. Pati ang IV na inalis ko sa kamay ko ay binalik ko pero hindi ko na sinaksak dahil masakit. Dinikit ko na lang ang medicine tape para hindi halata na hindi na nakasaksak. Binalik ko na rin ang device na nasa daliri ko kaya lumitaw na uli sa monitor ang vital signs ko.

Hinila ko ang comforter hanggang sa tapat ng dibdib ko tsaka pumikit at tahimik na nanalangin.

Sana wala sa sarili niya kanina si Doc para maniwala siya sa sinabi ko. Sana maniwala siya. Pero bumilis bigla ang tibok ng puso ko nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto. Pumasok na siya.

Bahagya kong binuksan ang kaliwang mata ko para masilip siya. Nagsimula na siyang maglakad at dinig na dinig ko ang pagtama ng mamahaling sapatos niya sa sahig. Palakas iyon ng palakas kaya napapikit ako ng mariin. Malalalim na rin ang bawat paghinga ko.

Tumigil ang tunog kaya sumilip ako uli.

Nasa tabi na siya ng kama at wala akong makitang ni isang emosyon sa mukha niya kaya lalo akong kinabahan at lalong pinagbutihan ang pagpapanggap na tulog.

Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin ito nagsalita. Pero hindi ko na sinilip dahil baka mahuli ako. But when I felt his warm hug, hindi ko mapigilang tumingin sa kanya. Nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko habang nakayakap sa'kin ng may pag-iingat. Parang isa akong babasaging bagay na kapag hinigpitan niya ang yakap ay magkakapira-piraso ako.

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now