Writer's Chapter Thirty

96 65 0
                                    

TODAY'S Saturday at ang sabi ni Doc ay sa Monday pa daw siya babalik sa Manila. Gusto ko nga sanang hindi na siya umalis para malayo siya sa virus pero trabaho niya 'yon eh. 'Yun na bago pa 'ko dumating.

"How are you, Jonathan?" tanong ni Mama kay Doc nang pumasok siya sa bahay.

"I'm fine na po, Ma. Inalagaan ako ni James."

Tumingin sa'kin si Mama na parang sinusuri ako. Si Mama naman, ayaw pang maniwala. Kay Doc na nga nanggaling.

Sa huli ay tumango si Mama at lumapit sa dining table na kinaroroonan ko at ni Doc. Katatapos lang namin kumain ng agahan pero dahil nilagnat si Doc, ako na ang nagpresintang maghugas ng mga pinagkainan namin.

"Anong gusto mo sa lunch, Jonathan? Mamamalengke ako ngayon para sa susunod na linggo."

"Ma, bili mo 'kong buko. Gagawa akong buko pandan. Pabili rin po ng ingredients for leche flan."

Inirapan ako ni Mama kaya napanguso ako.

"Si Jonathan ang tinatanong ko, hindi ikaw."

Sumimangot ako at kumapit sa braso ni Doc na nasa tabi ko lang. Nilingon niya 'ko kaya nagpuppy eyes ako sa kanya para kumbinsihin niya si Mama. Malakas 'to kay Mama eh.

Tumingin uli si Doc kay Mama.

"I'll drive you to the market, Ma."

Napatayo ako dahil sa sinabi niya.

"'Wag na, Jonathan. / No way, Doc!" nagkasabay pa kami ni Mama pero si Mama ang unang nakapagsalita uli.

"Tumawag na 'ko ng driver. Magpahinga ka na lang dito at isasama ko rin naman si Jane." Tumingin sa'kin si Mama. Masamang tingin ang ibinigay niya. "Alagaan mo ang asawa mo, Alethea."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa tinawag ni Mama kay Doc. Asawa ko? Ang sarap naman sa tainga. Gusto ko tuloy yakapin ng mahigpit si Mama. Nakakakilig. Asawa ko na daw si Doc. Shizz! Pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko.

"Baby, are you alright?"

I bit my lower lip para pigilan ang pagkawala ng tili sa bibig ko. Baka isipin ni Doc ay nababaliw na 'ko. Tinanguan ko na lang siya tsaka kinindatan si Mama na naiiling sa'kin.

"Alis na kami, text mo na lang mga gusto mong ipabili."

Hinatid ni Doc sina Mama para siya na rin ang magsara ng gate. Ako naman ay nagpaiwan sa bahay niya. Paglabas ni Doc kanina ay nagpunta ako sa sala at dumapa sa mahabang sofa. Sa sobrang kilig na nararamdaman ko ay pinagsisipa ko ang arm rest.

Umupo ako ng maayos at tumili.

Ilang segundo lang ay narinig ko ang pagbukas ng screen door ng bahay ni Doc. Doc rushed to my direction tsaka siya lumuhod sa harapan ko.

"What happened? Why did you shout? Are you hurt?" sunod-sunod niyang tanong at humawak pa siya sa magkabilang braso ko tsaka ako sinuri.

I lifted my hands and held Doc's face. Pinatingala ko siya sa'kin kaya nagtama ang paningin namin.

"Asawa daw kita sabi ni Mama."

Sumeryoso ang mukha ni Doc. "Is that why you shout?"

Tumango ako at pinaulanan ng halik ang buong mukha niya. Pero mabilis niya rin akong inilayo sa kanya.

"Don't you like it?" he sounded a little hurt kaya nalaglag ang panga ko. Nasaktan ko ba siya? Anong ginawa ko? Bakit siya nasaktan? Ayaw niya ba sa mga halik ko? At anong tanong niya? Ayaw ko daw? Of course not!

"Anong ayaw? Gustong-gusto ko kaya. Kaya nga 'ko tumili eh kasi kinikilig ako." I giggled in front of him kaya nawala ang pagkakakunot ng noo niya. "Asawa na daw kita, Doc. You're my husband now and I'm your wife! Hindi na natin kailangan ng kasal dahil kay Mama na nanggaling. Mag-asawa na tayo! Yehey!"

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now