Writer's Chapter Forty-Seven

89 62 0
                                    

LUNES ng umaga ay maaga akong nagising para icheck ang phone ko. I want to know if Doc texted or called me. But still nothing kaya hindi ko na mapigilang kabahan. I've known him for years now and he was never like this. Hindi kailan man lumipas ang isang araw na hindi siya tumatawag o nagtetext man lang sa'kin. This is so weird and unusual.

Pumasok ako sa banyo at naghilamos. Okay pa naman ang suot kong ternong silk pajama kaya hindi muna ako naligo.

Lumabas ako sa kwarto ko tsaka tinungo ang room ni Mama. Hindi naman siya naglalock ng pinto kaya agad akong nakapasok. Pero tulog pa siya nang makita ko.

Bigo akong lumabas ng kwarto niya. At 'yung kabang nararamdaman ko ay parang mas tumitindi bawat minutong lumilipas. Ano ba kasing nangyayari? Bakit hindi pa rin siya nagtetext? Ni hindi siya nag-online sa kahit anong social media account niya.

Ayoko ng ganito. Ayoko ng nag-aalala ako habang malayo ako sa kanya. Pakiramdam ko mamamatay ako. Pakiramdam ko malalagutan ako ng hininga kahit anong oras. At bawat paghakbang na ginawa ko ay parang pasan ko ang buong mundo, mabagal at mabigat.

Lumabas ako sa bahay namin dala ang phone ko para makalanghap ng sariwang hangin. Medyo madilim pa dahil mag-aalas sais pa lang ng umaga at dahil bermonth ay hindi agad sumisikat ang araw.

I was sitting on one of the sunloungers on the side of the pool. I texted Doc.

To: Doc ♥

Good morning, Doc. I hope you're doing fine there. Please call me when you read this. I'm worried and I miss you.

Ayoko na siyang tanungin sa kung anong ginagawa niya para maging ganito siya kabusy para hindi siya magparamdam sa'kin buong araw kahapon. At inisip ko na lang na napuno na ng pasyente ang St. Luke's kaya hindi na niya mahawakan ang phone niya upang itext ako. Inisip ko na lang na marami siyang pasyente kaya hindi siya nagpaparamdam or maybe wala siyang load. Maraming pwedeng maging dahilan pero kahit na gaano ko kagustong maging positibo mag-isip ay hindi ko pa rin mapigilang maisip na baka may nangyari sa kanyang masama kaya hindi niya sinasagot ang tawag at text ko.

Pero sana mamaya ay makatanggap ako ng kahit isang reply lang mula sa kanya. Para kahit paano ay mapanatag ang loob ko. Para kahit paano ay gumaan ang bigat sa dibdib ko.

Bumuntong hininga ako at pagkatapos ay binuksan ang Tiktok app sa phone ko. Muli kong pinanood ang mga tiktok ni Doc at hindi ko mapigilang mapangiti. Bukod sa gwapo niyang mukha na hinahangaan ng marami ay mukha din siyang masaya sa mga ito. These were uploaded before his birthday at pagkatapos no'n ay hindi na siya nag-upload uli. Maybe he's just too busy, right? Right?

"You seem sad," isang boses na nanggaling malapit sa bahay ni Doc.

Hindi ko na kailangang lingunin ito para malaman kung sino siya. Siya lang naman kasi ang lalaki dito. At siya lang ang natulog sa bahay ni Doc kaya hindi na kailangang manghula.

"You seem happy," sabi ko pabalik habang pinapanood siyang maglakad sa gilid ng pool papunta sa kinaroroonan ko.

He's wearing a smile but there's something about it that bothers me. He seem happy but his eyes are showing the opposite. Para siyang napipilitan lang ngumiti. Sobrang layo nito sa mga naging ngiti niya noong birthday ni Doc.

"And sad," dugtong ko.

Napalingon naman siya sa'kin habang umuupo sa katabing sunlounger ng inuupuan ko. Nawala ang ngiti niya at naging seryoso ang mukha niya. Bakit pakiramdam ko may tinatago siya sa'kin? Pakiramdam ko may mahalagang dahilan ang pagpunta niya dito. Pero natatakot akong magtanong dahil baka masaktan ako o hindi ko magustuhan ang sasabihin niya. Hindi naman siguro tungkol kay Doc, 'di ba?

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now