Writer's Chapter Twenty-Six

95 62 0
                                    

TODAY is the day kung kailan kailangan ko siyang pakawalan. I need to let him go dahil maraming nangangailangan sa isang katulad niya. In this time of pandemic, medical workers are the ones they need the most. Especially the doctors.

Mahirap bumitaw. Mahirap pakawalan ang isang taong mahalaga sa'yo lalo na kung alam mo na kapag pinakawalan mo siya sa panahon na ito, walang katiyakan ang kaligtasan niya. He can come back every month in my arms but what if he get sick? What if matamaan siya ng virus? I can't go to him. I can't be with him.

Gusto ko siyang pigilan sa pagbalik sa Manila pero I feel like sumosobra na 'ko. Inextend na niya ang leave niya para sa'kin and if I ask for more, I think it's already too much.

I was just standing near the pool watching him walking towards his damn Ford. Palapit pa lang siya sa sasakyan niya pakiramdam ko nasa ere na siya. Napakalayo na niya. Hindi ko na siya maabot. Hindi ko na siya mapipigilan.

Tumalikod ako at naglakad pabalik sa bahay niya. Hindi ko kayang panoorin siyang umalis. Pakiramdam ko kasi ay hindi na siya babalik.

Kinuha ko ang t-shirt na hinubad niya kanina sa banyo ng kwarto niya. Niyakap ko ito at tinungo ang kama niya. Dumapa ako at doon umiyak. Lalong sumisikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko pinipiga ito ng paulit-ulit. Napakasakit. Parang gusto ko na lang dukutin ang puso ko palabas sa katawan ko.

When I heard the engine of his car ay lalong sumikip ang dibdib ko. Hindi na 'ko makahinga dahil sa sobrang pag-iyak. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa tindi ng iyak ko but I can't blame my eyes. Normal lang na umiyak dahil sa sobrang lungkot at sa takot na baka hindi na siya makabalik muli.

Ayokong mag-isip ng mga negatibong bagay pero hindi ko mapigilan dahil sa panahon ngayon, puro negatibo ang mga nangyayari. The virus is spreading so fast, the people are hungry, the world is suffering and it's because of something that we can't even see. Kung idadagdag pa 'yung mga iba't-ibang kalamidad na nagyayari sa iba't-ibang bahagi ng mundo, I think 2020 is already too much. Hindi pa nakalahati ang taon ay napakarami ng nangyari.

Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak pero nang tumingin ako sa bintana ay magdidilim na. Hindi ako nakatulog. Umiyak lang ako maghapon. Walang nagtangkang kumatok o pumasok sa kwarto. Siguro dahil alam nila na kailangan kong mapag-isa.

Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama. I hugged my knees habang inaamoy ang damit ni Doc. All I want right now is Doc's safety. I want him to come back to me safely. At kung kailangan kong lumuhod at ipanalangin iyon araw-araw, gagawin ko.

My phone on the side table rang. Mabilis ko itong kinuha at walang pag-aalinlangang sinagot ang tawag. It's Doc!

"Doc!"

"Are you alright?"

"Of course I am!" pinasigla ko ang boses ko para hindi niya mahalata na kakagaling ko lang sa matinding pag-iyak.

"Mama told me that you cried inside my room the whole day. You didn't even eat your lunch."

Huminga ako ng malalim at niyakap ang damit niya.

"I'm worried and I'm scared, Doc."

"Baby, there's no reason for you to be scared. I'll be alright, okay?"

Tumingin ako sa balcony. Nakabukas ang pinto kaya kitang-kita ko ang madilim na kalangitan. Ni isang bituin wala akong makita.

"Tingin mo, Doc, kakayanin ko kayang magtagal sa sitwasyon natin ngayon? Ako na nasa isang tahimik na probinsya habang ikaw ay nasa nakakatakot na lugar. Makakaya ko kayang labanan ang takot ko, Doc?"

"Baby.."

Huminga ako ng malalim at akmang bubuksan muli ang bibig upang magsalita kaso naunahan ako.

"Sa'n po kayo pupunta?" It was an unfamiliar voice from the other line.

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now