Writer's Epilogue

59 36 0
                                    

A/N: Sorryyyyyyy!!!!

THE sound of an ambulance, screams coming from everywhere and the sound of a heart monitor are what made me open my eyes. I was inside a four-cornered room with white-painted walls and ceiling. I'm inside a hospital room. Sigurado ako.

Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin ang lalaking siyang una kong gustong makita sa tuwing nagigising ako. But instead of him, I saw his parents. They are standing beside my bed, crying. What happened? Bakit lahat sila umiiyak? My parents, my sister, my friends and even Doc's relatives are here. Pero bakit wala siya? And why am I even laying in this bed?

Bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang lalaking doctor. Tinignan niya 'ko at umiling siya. Malungkot ang ekspresyon sa mukha niya at parang sinasabi niya na ihanda ko ang sarili sa kanyang sasabihin.

"I'm sorry, Ms. Martin. We couldn't save him."

Nalaglag ang panga ko kasabay ng mga luhang hindi ko alam na nakahanda na pala sa pagtulo. I wanted to say something, I wanted to shout at him but my voice was gone. What's happening? Sinong hindi nila nailigtas? Why did he apologize to me? And where's Jonathan?

"10:13 in the morning of November 23, 2020, Dr. Jonathan Del Lozano stopped breathing."

"What?! Joke ba 'to?! Pwede ba?! I know it's just a prank! Please, ipakita niyo na siya sa'kin. Parang awa niyo n-na.." pumiyok ako sa dulo hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napahagulgol ako.

Bakit? Anong nangyari? Dahil sa Covid? Pero sabi nina Mom and Dad ay gagawin nila ang lahat para kay Doc. Sabi nila magiging maayos siya. Sabi nila matutuloy ang kasal namin next year. Kaya paanong wala na siya? Kinwentuhan ko pa lang siya kagabi. I told him all my dreams and everything I want to do with him. Hindi siya pwedeng mawala. Hindi niya 'ko pwedeng iwan. Hindi siya pwedeng mamatay. Kung wala siya, paano na 'ko? I love him so much and he's the one who gives me strength kaya kung wala siya, manghihina ako. Mawawalan ako ng silbi. Mawawalan ako ng pag-asa. Mawawala ako.

Lumapit sa'kin ang parents ni Doc. Niyakap ako ni Mom at si Dad naman ay hinawakan ang isang kamay ko.

"Jonathan will always be with us, Thea. He will always be with you," halos pumiyok si Dad habang sinasabi niya 'yan. The man who I never saw in his weakness is now crying in front of me. Kitang-kita ko ang pagtulo ng mga luha niya mula sa namumula niyang mga mata. "You have his heart, Thea. He wanted us to give it to you para mawala man siya sa mundo, mananatili naman ang pagmamahal niya para sa'yo."

Nagulat ako. Ayokong paniwalaan ang sinabi niya. Ayokong paniwalaan na ang pusong nasa dibdib ko ay pagmamay-ari ng taong pinakamamahal ko. Ayokong paniwalaan ang lahat ng ito. I wish that everything is just part of a nightmare. Sana magising na 'ko mula sa panaginip na ito. Ayoko na dito. Ayoko sa lugar na wala si Doc.

"James Alethea, wake up! You're having a nightmare!"

Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa kabila ng malakas na paghagulgol ko. Pero parang malayo ang pinagmulan nito. Parang galing sa ibang mundo.

"Please, babe, wake up."

Ilang ulit na pagtapik sa mukha ko at pagyugyog sa balikat ko ang nakapagpabalikwas sa'kin mula sa pagkakahiga. Sumandal ako sa headboard ng kama ni Doc tsaka lumingon sa nakabukas na sliding papuntang balcony.

Maliwanag na sa labas at hindi ko napigilan ang mga luha ko dahil sa bagong pag-asa. Panaginip lang ang lahat. Nandito pa rin sa mundong ito si Doc. Matutuloy pa rin ang kasal namin at higit sa lahat, akin pa rin ang pusong nasa dibdib ko.

Ngumiti ako at pinunasan ang mga luha. Nilingon ko si Kuya James na nakatayo sa gilid. Puno ng pag-aalala ang mukha niya. Pero kung hindi dahil sa kanya, nasa masamang panaginip pa rin sana ako. Kung hindi dahil sa kanya, baka may nangyari ng masama sa'kin.

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now