Writer's Chapter Thirty-One

85 59 0
                                    

"WHY do you think you're the best one for me?" 'Yan ang pangatlong tanong niya na maaaring gawing topic sa isang essay competition.

Sigurado ako kapag siya ang nagpaquiz, walang makakakuha ng perfect score kasi isang tanong pa lang, aabutin ka na ng siyam-siyam sa pagsusulat ng sagot.

"I don't think I'm the best one for you," mahina kong sabi at pagkatapos ay bumaba mula sa kandungan niya.

Umupo ako sa gilid paharap sa kanya tsaka ipinatong ang mga hita ko sa mga hita niya. Tumingin siya sa'kin.

"Why?" he simply asked pero kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

Hinaplos ko ang mukha niya at nginitian siya.

"Because you're too perfect for me. You're too great that sometimes naiisip ko na hindi kita deserve. You're so kind, smart and handsome. You're successful while I'm not. I'm just a simple high school student so how can I be the best one for you?"

Lumapit si Doc at pinagdikit ang mga noo namin tsaka siya tumitig sa mga mata ko.

"Don't say that, baby. You're not just a simple high schooler. You are my world." Pumikit ako at dinama ang mabilis na tibok ng puso ko. "No one can be the best one for me aside from you. You're the only one for me and you deserve everything. You deserve all of me and my love."

Mabilis kong niyakap si Doc. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. Gusto kong umiyak pero ayoko siyang mag-alala.

"What's your next question, Doc?" tanong ko na lang.

Wala kasi akong masabi sa lahat ng sinabi niya. Wala akong maisip na sasabihing maaaring ikatutuwa niya. Lahat ng naiisip ko ay siguradong ikalulungkot niya dahil lahat ng iyon ay kumukwestiyon sa sarili ko. Sarili ko kasi mismo ang nag-iisip na hindi deserve ni Doc ang isang katulad ko.

"Why do you think I'm much better than Massimo Torricelli?"

Bahagya akong natawa sa sunod niyang tanong. Isinantabi ko na muna ang mga negatibong bagay na pumasok sa isip ko kanina.

"Because you're real at hindi mo na 'ko kailangang kidnappin para mahulog ako sa'yo. Dahil din mas hot ka sa gumanap bilang Massimo. Masarap kang magluto, mas gwapo, at mahal na mahal kita."

Tumahimik bigla. Si Doc nakapikit at parang nag-iisip ng sunod na itatanong. Pinagmasdan ko siyang mabuti.

Napakagwapo niya talaga. Wala akong makitang ni isang bagay na pwedeng ipintas sa kanya. Even his skin is perfect! Walang ni isang marka ng kahit isang pimple man lang.

He opened his eyes and they immediately found mine. Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko at ilang saglit lang ay isinatinig na niya ang sunod niyang tanong na parang isang bombang sumabog at yumanig sa mundo ko.

"What will you do if I got infected with the virus and got confined in the ICU?"

Lumayo ako kay Doc at tumayo. Iniwan ko siya sa upuan tsaka tinungo ang kama. Sa lahat ng pwedeng itanong, bakit 'yon ang isinunod niya? Napakaraming questions diyan pero 'yun pa talaga ang naisip niyang itanong.

Humiga ako sa kama at nagkumot hanggang sa leeg. Matutulog na lang ako.

"Baby.."

"No," tipid kong sabi.

Naramdaman ko ang pagbaon ng kutson sa gilid ko at ang kamay niya ay inangat ang ulo ko para maiunan sa dibdib niya. Nakahiga na din siya.

Iminulat ko ang mga mata ko at tiningala siya.

"Ano ba namang tanong 'yon, Doc? Ayoko no'n," naiinis kong sabi.

Nakakainis naman kasi siya. Paano kung magkatotoo iyon? Sa sitwasyon pa naman ngayon na mas lalong dumarami ang bilang ng mga nagpopositibo, hindi malabong mahawa siya lalo pa't sa hospital siya mismo nagtatrabaho.

A Writer's Diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon