Writer's Chapter Two

210 153 0
                                    

MABILIS lumipas ang oras at araw. Wednesday na ngayon. Alas sais na at 7 o'clock ang pasok ko pero parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Tapos ang lamig-lamig pa. Kahit hindi bukas ang electric fan o AC ay nakakumot ako buong katawan. Mukhang lalagnatin pa yata ako. Kung kailan naman susunduin ako sa school mamaya ni Doc, saka pa 'ko makakaramdam ng ganito. Pero no! Nothing can stop me. Tsaka nagpromise ako sa kanya.

Kahit masama ang pakiramdam ko, pumasok pa rin ako. Hindi ko pinahalata sa mga kaklase ko na hindi maganda ang pakiramdam ko. Kung gaano ako katamlay kaninang nasa jeep, ganun naman ang sigla ko ngayon sa loob ng room. Kahit masakit, pinipilit kong gumalaw. Kahit wala ako sa mood, ngumingiti at nakikitawa ako sa mga kaklase ko. Pero sinisikap ko na hindi sila madikit sa'kin.

"Hoy, babae! Anong meron?"

Kinabahan ako nang lingunin ako ng katabi kong si Chelsea. Nahalata niya kaya?

"Anong anong m-meron?" nautal ako sa huling salita kaya kinurot ko ang palad ko.

"Parang may kakaiba sa'yo. Kanina ko pa napapansin pero hindi ko matukoy kung ano."

Tumawa ako ng mahina at mabilis na nag-isip ng pwedeng sabihin para hindi siya makahalata.

"Susunduin ako ni Doc mamaya," mahina kong sabi.

Ilang segundo akong naghintay ng response mula sa kanya na nakatitig lang sa'kin. Ano kayang iniisip nito?

Chelsea smiled playfully. Kinurot pa niya 'ko sa tagiliran kaya napaatras ako.

"Kaya pala," she said habang hinahalungkat ang kanyang bag.

Nagvibrate ang phone ko kaya nawala sa kanya ang atensyon ko.

From: Doc ♥
On my way to my baby.

Napangiti ako. Kahit kailan talaga, kahit saan nagpapakilig siya. He's the sweetest doctor I've ever known.

To: Doc  ♥
Focus sa daan, 'wag sa cellphone, Doc. Ingat!

Lumipas ang limang oras na wala ni isang teacher na pumasok. Busy sila sa pag-aasikaso sa mga upcoming events.

"Thea, 20 minutes na lang uwian na!" Excited na niyugyug ni Chelsea ang mga balikat ko pero imbes na ngumiti ay napangiwi ako dahil sa sakit ng ulo ko. Lalo ding bumigat ang pakiramdam ko. Parang kapag tumayo ako, matutumba ako. Parang kapag gumalaw ako, mahihimatay ako.

Nang mapansin niya ang reaksyon ko ay hinawakan niya ang braso ko. "Ang init mo!" sigaw niya sabay bitaw. Bumaba din ang tingin niya sa braso kong hinawakan niya. "Ano 'to? Rashes?"

Umiling ako at sumandal sa pader na nasa gilid ko. Pumikit ako dahil maging ang talukap ng mga mata ko ay bumigat. Sumisikip na din ang dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos pero hindi ako nagpahalata. Mawawala din naman agad 'to. Lagnat lang 'to. Uminom naman ako ng gamot kanina.

"Pres, dalhin na natin sa clinic si Thea."

Hindi ko na halos maintindihan ang mga ingay sa paligid ko. Nang imulat ko ang mga mata ay nakita kong nasa harapan ko na si Ryan, ang President sa room. Katabi nito ang Vice niya na si Franco. Bumubuka ang bibig nila pero hindi ko marinig ang sinasabi nila. Umiikot na ang paningin ko.

Pinilig ko ang ulo ko at kumurap-kurap. Unti-unti namang umaayos ang paligid. At naiintindihan ko na ang mga sinasabi nila.

"Tara na, Thea. Dadalhin ka namin sa clinic."

Dahil masama na talaga ang pakiramdam ko, tumango ako at dahan-dahang tumayo. Inalalayan naman ako nina Chelsea at Ryan. Pero hindi ko nagawang makatayo ng tuluyan dahil bigla na lang nagdilim ang paningin ko.

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now