Writer's Chapter Thirty-Eight

81 49 0
                                    

"IKAKASAL ko kayo ni Jonathan."

Wala ako sa sarili ko habang ikinakasal kami ni Mayor. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari kaya hindi pumapasok sa utak ko ang sinasabi niya.

"I do," narinig kong sabi ni Doc kaya lumingon ako sa kanya.

Nginitian niya 'ko tsaka siya tumango.

"Huh?"

Inilapit ni Doc ang bibig niya sa tainga ko tsaka siya bumulong.

"Say 'I do', baby."

"Why?" wala sa sarili kong tanong.

"You don't wanna marry me, baby?"

"I do."

Doc held my hand bago niya ibinalik ang tingin kay Mayor pero ako ay hindi maalis ang mga mata sa kanya.

"I now pronounce you as husband and wife."

Napalingon ako kay Mayor dahil sa sinabi niya. Biglang naprocess ng utak ko na ikinakasal niya nga pala kami pero bakit kulang?

"Nagmamadali po ba kayo, Mayor?"

Tumingin si Mayor sa'kin. "Hindi naman," sabi niya tsaka ngumiti.

Pero hindi ko siya nginitian pabalik dahil may kulang talaga. "Bakit wala pong kiss the bride?"

Mayor chuckled pero nanatiling seryoso ang mukha ko.

"You should ask your husband, ija."

Nanliit ang mga mata ko at nilingon si Doc.

"Doc, naman! Pati ba naman sa kasal natin ipagdadamot mo ang halik?"

Tumaas ang isang kilay ni Doc kaya napanguso ako.

"Hindi 'to magiging kasal kung walang kiss."

"Social distancing, baby. Bawal ang kiss."

Inirapan ko si Doc dahil sa sinabi niya.

"Kailangan nating sumunod sa health protocols, T," si Kuya Gi naman ang nagsalita. Nakatayo silang dalawa ni Tito sa gilid. Si Kuya Gi ay hawak ang DLSR niya at kinukunan ng litrato ang mga pangyayari. And I bet halos lahat ng picture ko ay tulala ako at mukhang ewan.

"Jonathan, you should seal your marriage with a kiss."

Tumango-tango ako sa sinabi ni Tito Fifth. Nakita ko ding tumango si Doc kaya hindi ko napigilang ngumiti. Yes! Kiss!

Humarap si Doc sa'kin tsaka niya 'ko pinaharap sa kanya. Hawak niya ang isang kamay ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang pagngiti habang nakatingala sa kanya.

"Close your eyes," mahina niyang sabi.

Mabilis akong pumikit. Ang isang kamay ko ay inilagay ko sa balikat niya.

Huminga ako ng malalim para mapakalma ang nababaliw ko na namang puso. Kung makatibok ng mabilis parang ngayon lang kami magkikiss ni Doc.

Doc put his hand on the small of my back bago ko naramdaman ang mainit at mabango niyang hininga sa mukha ko. Kahit gusto ko siyang makita ay pinigilan ko ang sarili ko. Ngumiti na lang ako habang hinihintay ang mga labi niya.

But when his lips touched my forehead, iminulat ko ang mga mata ko. Kinunot ko ang noo ko at tinignan siya ng masama.

"Ewan ko sa'yo, Doc," naiinis kong sabi.

Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Doc at lumayo ako sa kanya. Hinarap ko si Mayor na nangingiti sa'min.

"Nagdidivorce din po ba kayo?" seryoso kong tanong.

A Writer's Diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon