Writer's Chapter Six

168 130 0
                                    

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa walang tigil na pagyugyog sa balikat ko.

"Gising na."

Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Isang hindi pamilyar na silid ang bumungad sa'kin. Maluwang pero walang gaanong gamit. Ang kamang hinihigaan ko, vanity mirror na medyo malayo sa kama at isang upuan sa harap nito lang ang mga gamit.

Pero sa isang simpleng kwartong kinaroroonan ko, nakatayo ang isang matangkad na lalaki. Pero nakatalikod na ito ngayon kaya hindi ko makita ang mukha niya at hindi pamilyar sa'kin ang tindig niya. Sino siya? Nasa'n ako? Totoo bang nakidnap ako? Pero nasa'n si Doc? Is he real o imagination ko lang 'yon?

"Kapag hindi ka tinubos dito ni Jonathan, hindi ka na niya makikita pa kahit kailan." 'Yun lang at umalis na ito.

Pero parang naiwan ako ng kaluluwa ko dahil sa sinabi niya. Paano ako matutubos ng isang taong wala naman sa Pilipinas? Wait. Nasa Pilipinas pa ba 'ko? Mamamatay pa yata akong hindi alam kung nasa'n ako.

Biglang tumunog ang tiyan ko kaya napahawak ako dito. Kaninang umaga pa nga pala 'ko hindi kumakain. Anong oras na ba? Bakit kasi walang bintana dito? Hindi ko tuloy makita kung maliwanag pa o hindi na.

Bumukas ang pinto kaya napalingon ako dito. Limang babae ang sunod-sunod na pumasok. Lahat sila ay matatangkad at sobrang ganda. Parang model sa Victoria's Secret. Bigla ko tuloy naalala si Ate Cheska, ang kapatid ni Doc na model doon. Alam niya kaya na may babae si Doc sa America? Hindi kami ganun kaclose pero kinukumusta naman niya 'ko paminsan-minsan.

Nag isang linya ang mga babae sa gilid ng kama kaya kitang-kita ko kung gaano sila kaganda at kasexy. Naglalakihan ang hinaharap at balakang. Napatingin tuloy ako bigla sa dibdib ko. Hindi malaki pero meron naman kahit papa'no.

Ang unang babae ay kulot ang buhok, maliliit na curls nito. May dala siyang isang malaking rectangular box. Magkakasya siguro ako sa loob kapag pumasok ako pero mukhang magaan lang dahil hindi siya nahihirapan. Ang pangalawang babae naman ay maliit ang buhok. Hanggang balikat lang pero straight. May dala siyang pulang unan na napakaeleganteng tignan dahil sa kulay gold sa bawat dulo. Sa ibabaw ng unan ay ang isang pares ng itim na sapatos na kahit hindi ko tignan ang brand name, masasabi kong mamahalin. Sa tingin ko nasa tatlong pulgada ang heels nito. Ang pangatlo naman ay mahaba at straight ang buhok, box din ang dala pero mukhang mga make up ang nasa loob. The fourth one have also long and straight hair, may dala siyang suklay at hairdryer. And the last one na malalaki ang curl ng buhok ay pagkain at inumin ang dala.

"Hi! I'm Samantha, 25 years old.." ngumiti sa'kin ang unang babae.

Naguluhan ako sa mga dala nila lalo na ng utusan akong maligo ni Ate Samantha pagkatapos nilang magpakilala lahat. Mamamatay na nga 'ko tapos maliligo pa? Hindi ko naman pinaghahandaan ang kamatayan ko noh? But Ate Artemis told me na bilisan ko daw dahil malapit ng mag-umpisa.

"Anong meron?" I asked pero ni isa walang nagsalita. Nagpatuloy lang sila sa pag-aayos ng mga dala.

Siguro ang sinasabi nilang malapit na ay ang pagbitay sa'kin. Dahil sa isiping 'yon, nakatatlong subo lang ako sa kinakain ko. Tinignan ko ang tira ko habang umiinom. My last meal..

Ganito ba talaga kapag papatayin na? Pinapakain ng marami?

Nang makalabas sa banyo na suot lang ay underwear at towel ay nahihiya ko silang nilapitan. Wala kasi akong bra! Panty lang ang binigay nila sa'kin at ang towel na 'to. Ang pinaghubaran ko naman ay biglang naglaho. Sa sobrang okupado ng isip ko kanina sa banyo ay hindi ko na napansin ang mga nangyayari sa paligid.

"Come here, sweetie," malambing ang pagkakasabi ni Ate Diana. Kasing lambing ng boses ng babae ni Doc.

I smiled bitterly habang naglalakad palapit sa kanila. Kapag naaalala ko ang tawag na iyon, hindi ko mapigilang maging bitter dahil sa sakit. Hindi ko kasi inasahan na malalaman ko bago ang kaarawan ko. Sana pinatapos muna nila.

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now