Writer's Chapter Fifteen

128 85 0
                                    

KINABUKASAN, paggising ko ay cellphone agad ang una kong hinanap. Pumunta ako sa page ng DOH at nagbasa ng updates about COVID-19.

Pandemic. 'Yan ang tumatak sa isip ko. Hindi ko makalimutan kaya hanggang sa pagpasok ko sa school ay nag-aalala ako. Nakadagdag pa sa pag-aalala ko ang pagiging topic nito sa room. All of them have seen the news. The coronavirus outbreak has been declared global pandemic by the World Health Organization yesterday, March 11. Covid is officially a pandemic and the worst is yet to come. Moreover, 3 new confirmed cases are reported today kaya 52 na ang total.

Naiimagine ko na ngayon ang mga mangyayari. Lahat ng balita ay tungkol na sa virus. Lahat ng tao ay ito ang pag-uusapan. Lalala ang sitwasyon, dadami ang mga magpopositibo to the point na hindi na enough ang mga hospitals. Almost or maybe all the countries in the world will be problematic because of an enemy that we can't even see. Pero ang pinakamahihirapan dito ay ang mga health workers, especially the doctors. Their lives will be on the line. Parang mga sundalo na laging nasa hukay ang isang paa.

I called Doc kanina pagkatapos makita ang news. Madaling araw pa pero nasa PHC na siya. He told me na mas magiging busy siya from this day hanggang sa sabado dahil nga sa leave niya. Naiintindihan ko naman. He's doing these para hindi magkaaberya sa isang linggong leave niya.

Exam days have come. Unang araw ngayon, Friday, pero mamayang 1:00PM pa lang mag-uumpisa. Unang araw pa lang kaya madali pa ang mga subjects ngayon kaya nagbasa lang ako ng konti. Nakinig naman kasi ako sa discussions kaya no worries.

I arrived in school at 9 o'clock. Marami na sila nang dumating ako at nakaarrange na rin ang mga upuan. Chelsea waved at me at tinuro ang upuang nasa harapan niya bago niya kinuha ang bag niya doon. Ganyan kaming lahat sa room. Nagrereserve ng upuan para sa mga gustong makatabi kaya hindi na 'ko nagtaka nang makitang nasa right side ni Chelsea si Franco and Ryan is in front of Franco.

Ang mga upuang pavertical ay hindi ganun kalayo. Normal lang sila pero ang mga pahorizontal, halos isang metro ang pagitan.

Ryan greeted me nang makaupo ako. I smiled at him at tumingin sa gilid. Katabi ko ang bintana and this is my original place. Dito talaga ako nakaupo kahit sa mga normal days.

"Nagreview ka?" biglang tanong ni Chelsea.

"Yup!" I smiled.

"Naks! Napakaswerte ko. Napapalibutan ako ng mga nagreview. Buti na lang talaga hindi na 'ko nagreview."

Exams are very important. Dapat pasado ka lalo na kapag finals. Pero marami pa rin ang hindi nagrereview. I understand them naman kasi bakit ka pa nga naman magrereview kung nagreview naman ang katabi mo? Bakit ka magrereview kung mabait naman sila? Pero minsan hindi maiiwasang magkaroon ng istriktong proctor kaya dapat magbasa pa rin. But the good thing is laging mabait ang napupuntang proctor sa'min and our proctor for 2 days is our adviser kaya tuwang-tuwa ang lahat.

Binuksan ko ang dala kong bag at nilabas ang laptop.

"Wow! MacBook Air!"

Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Chelsea malapit sa tainga ko. Muntik ko pang mabitawan ang hawak ko dahil sa gulat.

"Nood tayong movie!"

We watched some movies. Nasa kalagitnaan na kami ng pangatlong pelikula nang magtanong si Chelsea.

"Kumusta na si Doc Jonathan, Thea?"

"Fine." Nahook ako sa pinapanood na foreign movie dahil ang bida ay isang gwapong doctor kaya tipid ang naging sagot ko.

"Wala pa bang covid sa PHC?"

Tumaas ang iang kilay ko sa tanong niya pero hindi naalis ang mga mata ko sa pinapanood.

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now