Writer's Chapter Forty

84 57 0
                                    

NOONG una akala ko ako lang ang babaeng minahal niya. Akala ko ako ang nauna sa puso niya. Pero biglang dumating ang first love niya. At doo'y nalaman kong pangalawa na lang pala 'ko.

Alam kong maraming nagpapapansin sa kanya. Maraming nagkakagusto at marami rin siyang naging babae noon. Labing pitong labi na ang nahalikan niya at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung pang-ilan ako.

Pero habang tumatagal, lalong nababawasan ang confidence ko dahil sa mga babaeng umaaming may gusto sa kanya. Nanliliit ako sa sarili ko dahil walang-wala ako sa mga babaeng 'yon. Magaganda sila, sexy, maraming maipagmamalaki at successful. Kalevel nila si Doc. At mas maiintindihan ko pa kung isa sa kanila ang pakasalan niya dahil kaya nilang makipagsabayan sa kanya. Samantalang ako, walang pangarap sa buhay.

I don't deserve him. Ni buhay ko ay hindi ko deserve. Wala akong deserve sa mundo. At siguro'y wala talagang para sa'kin kaya ganitong puso ang binigay sa'kin. Siguro'y nakatakda talaga akong mamatay ng maaga. Siguro'y lahat ng meron ako ngayon ay hiram lang. Walang ni isang para sa'kin. Wala akong pag-aari. Wala akong maaangkin.

I'm just a nobody. I'm hopeless, worthless and defected. I'm selfish. Sarili ko lang lagi ang iniisip ko. Hindi ko iniisip si Doc. Ni hindi ko tinatanong sa sarili ko kung mukha pa ba siyang masaya. Kung masaya pa ba siya sa'kin. Deserve ko pa ba siya? Mas deserve ko ba siya kaysa sa mga babaeng nakapaligid sa kanya?

I'm just a girl with insecurities. At 'yung mga babaeng nagtapat sa kanya, they have everything that I don't have. They are the ones that I can't be. Halos lahat ng gusto ko nasa kanila. I want to be beautiful, sexy, brave, independent, empowered and successful. Pero mukhang magtatapos iyon sa I want dahil hindi ko makukuha lahat ng 'yon. Samantalang sila, sila na 'yon. Sila na 'yung dinescribe ko. Sila na 'yung tinutukoy ko. Hindi na nila kailangang maghirap pa at maghintay ng matagal dahil nasa kanila na lahat ng katangiang iyon. Habang ako ay mukhang mamamatay ng walang pangarap. Mawawala ako sa mundong 'to na wala man lang akong napapatunayan.

Ang kaya ko lang ipagmalaki sa lahat ng nakuha ko ay si Doc. Pero siya, wala siyang pwedeng maipagmalaki sa'kin.

"I already filed a leave."

"Sabihin mo nagbago na ang isip mo. Papasok ka na uli bukas," I said with finality.

"No. I'll stay here with you."

Bumuntong hininga ako.

"Okay."

Katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Doc. Nakatayo pa rin siya sa gilid ng kama habang ako'y nanonood sa Tiktok. Iniwasan kong tignan ang mga bagong uploads sa account ko dahil siguradong siya lahat ang nandon. Hindi naman kasi ako mahilig magtiktok. Nanonood lang ako.

Pumasok si Mama sa kwarto dala ang isang tray ng pagkain. Isang mangkok na puno ng tokwa't baboy, isang platong may mga fried chicken at isang plato ng kanin. Masyado iyong marami para sa'kin.

Lumapit si Mama sa glass table malapit sa sliding door patungong balcony. Dalawang wooden chairs ang nandon at tamang-tama para sa isang romantic breakfast.

Napangiti ako dahil sa naisip ko.

Walang ni anong vase na may bulaklak sa glass table na iyon. Walang candle, walang fairy lights, mesa lang talaga. Pero kahit gaano iyon kasimple, magiging romantic pa rin 'yon kapag ang taong mahal mo ang kasama mong kakain do'n.

Nag-angat ako ng tingin kay Doc. Wala na sa'kin ang atensiyon niya. Nakay Mama na na kasalukuyang nilalagay ang mga pagkain sa ibabaw ng mesa.

Mahal na mahal ko ang lalaking 'to at alam kong mahal niya rin ako. Pero sapat ba 'ko? Karapatdapat ba 'ko para sa kanya? Nasa kanya na ang lahat. Marami na siyang achievements at awards na natanggap. Pero nababagay ba 'kong tumayo sa tabi niya?

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now