(5): Plan

1.9K 120 28
                                    

dedicated to: Eunice_0615 , dncnicolea  , Deity_Slay




𝚁𝚘𝚘𝚖 𝟼𝟶𝟾 𝚊𝚝 𝙻𝚞𝚖𝚒𝚎𝚛𝚎 𝚁𝚎𝚜𝚒𝚍𝚎𝚗𝚌𝚎, 𝙿𝚊𝚜𝚒𝚐, 𝙼𝚎𝚝𝚛𝚘 𝙼𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊 (𝚂𝚊𝚝𝚞𝚛𝚍𝚊𝚢)

Avery's POV
— 𝟽:𝟻𝟻:𝟶𝟼 𝚊𝚖 —

NAGISING ako nang makarinig ako ng malakas na pagsabog at sunod-sunod na putok ng baril. Agad akong napatayo sa kinahihigaan ko at sinilip ang bintana ng kwarto ko.



Hindi sa kalayuan ay nakakita ako ng mataas na building na kung saan sa tingin ko ay doon nanggaling ang mga pagsabog at putukan ng mga baril dahil kitang kita ko ang malalakas at malalaking apoy na sumisiklab at sumasakop sa lugar na iyon.




Napahawak na lamang ako sa aking ulo nang maramdaman kong kumirot ito. Hindi ako nakakuha ng sapat na tulog kagabi at halos buong magdamag yatang nakabukas ang mga mata ko dahil sa takot at pangamba na baka may masamang mangyari sa oras na ipikit ko ang mga mata ko.




"Sino ba naman kasing makakatulog agad sa ganitong sitwasyon, tss." Wala sa mood na sambit ko dahil kulang na kulang talaga ako sa tulog. Muli kong sinilip ang aking bintana at pinagmamasdan ang mga nasusunog na building mula sa kalayuan.





Teka.. kung may pagsabog at putukan ng baril, malamang may iba pang tao ang buhay na tulad namin at hindi pa infected!





Nang dahil sa naisip ko ay dali-dali akong tumayo sa kinahihigaan ko at saglit na nag-ayos sa harap ng salamin. Saka ako nagmadaling bumaba ng hagdan para tignan kung gising na si Zerro at hindi nga ako nagkakamali, dahil nasa hagdan pa lang ako ay amoy na amoy ko na ang mabangong sinangag at itlog. Bigla ay kumalam ang sikmura ko dahilan para mas lalo kong bilisan ang pagbaba.





"Good morning," pagbungad ko dito nang sa wakas ay makababa na ako ng hagdan.





"Narinig mo ba 'yung pagsabog saka yung mga putok ng baril?" Tanong ko at dumiretso sa dining table.





"Hmm, sa grand central station daw 'yon binabalita sa TV." Sagot niya dahilan para lingunin ko ang television namin na nakabukas nga at binabalita ang tungkol doon.





"Mas dumarami raw ang cases, mas nagiging delikado ang resident, nawalan din ng internet, buti na lang hindi kuryente," kunot noong saad niya habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.





"Kumain ka ng marami, susubukan nating lumabas mamaya."





"Saan naman tayo pupunta kung sakali?" Nag-aalalang tanong ko dahil hindi ako sigurado kung kakayanin namin, base sa kanya, mas dumarami na ang infected na pakalat-kalat at kung hindi ako nagkakamali, hindi lang sila delikado sa kung paanong iniisip kong delikado sila.




Alam kong may hindi kami nalalaman at kapag hindi kami nag-ingat pwede kaming mamatay sa isang iglap.





"Pupunta tayo sa police station."





Lockdown Z [Survival Begins] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon