(28) Team of Survivor

934 55 0
                                    

2025 Metro Manila, Philippines
Thursday

Avery's POV

1:02:13 pm


Masama ang tingin na ipinukol ko kay Zerro habang nakaupo ako sa kama at siya naman ay nakatayo, nasa harap ng pintuan nitong campervan.

Naiinis ako sa kanya dahil kinontra niya ako sa pagsama kila Yves kanina. Hindi naman ako baldado para iwan lang dito. Wala na akong sakit at kayang kaya ko na ang sarili ko, ano bang pinaglalaban niya pa sa buhay?

Nabuhay lang ba ako para umasa na lang sa mga taong na sa paligid ko?

"Bakit sila huminto do'n?" Rinig kong tanong ni Cass na nasa labas nitong campervan, saglit ko namang sinilip ang sinasabi niya at nakita kong nakahinto nga lang sila Tita Ana sa harap ng SM Moa.

"Anong ginagawa nila do'n? Bakit hindi pa sila pumasok?" Muling tanong nito.

Walang sumagot sa kanya at pare-pareho lang kaming naroon ang atensyon at naghihintay sa gagawin nila.

Ano bang ginagawa nila? May nangyari ba?

Pero ilang minuto lang ay ganoon ang gulat namin nang marinig namin ang biglaang pagsabog sa loob ng mall.

"What the— what happened?!" Singhal ni Tana at agad na inilabas ang baril nito.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Zerro nang umalis siya sa harapan ko dahil tinakpan niya ako nang bigla na lang may sumabog. Agad naman akong tumango at kunot noong lumabas ng campervan para sipatin kung anong nangyari sa mga kasamahan namin. Naramdaman ko namang sumunod din sa akin si Zerro.

"Ayos lang kaya sila?" Tanong ko dahil hindi ko sila maaninag mula sa pwesto namin nang dahil sa usok na mabilis na kumalat.

"Puntahan na ba natin?" Nag-aalalang tanong ni Cass.

"No, let's stay here." Kunot noong sambit ni Zerro, pero mas lalo pa kaming nagtaka nang makarinig kami ng putukan ng baril.

Anong nangyayari? Sila Tita Ana ba 'yung nagpapaputok?

Hindi ko maintindihan ang nangyayari dahil hindi namin maaninag ang lugar nila.

"Omygash . ." sambit ni Tana dahilan para umawang ang bibig ko sa gulat nang makita namin ang mabilis na paglabas ng isang sasakyan mula sa loob ng mall.

"The fuck?" Saad ni Zerro.

"Guys, ready! Maraming infected!" Sambit ni Cass nang unti-onti ay nagsilabasan ang mga infected na pilit hinahabol ang mini bus na pagewang-gewang ngayon.

Paanong may sasakyan sa loob ng mall?

Nagsimula kaming magpaputok ng baril habang sila Yves naman ay tumatakbo na pabalik habang bitbit pa nito ang itim na pusa. Hindi ko naman alam kung matatawa ako o ano dahil halos lumipad na si whitey sa way ng pagkakabitbit ni Yves sa kanya.

Habang mabilis namang nagsi-pasukan ang iba naming kasama sa loob ng sasakyan.

"Avery, ipasok mo nga muna 'to si whitey diyan sa loob! Anak kasi ng tokwa, sunod sunod pa kasi!" Singhal ni Yves at mabilis na iniabot sa akin si whitey. Inilapag ko naman muna ito sa kama.

"Sakay, bilis!" Sambit ni Tita Ana.

"Baka survivor ang mga 'yun, tulungan natin!" Saad ni Cass at mabilis na sumakay sa campervan.

"Alam ko, kaya sumakay na kayo, susundan natin!" Sambit ni Tita Ana.

"Mas maganda kung nakasakay ang iba at ang iba ay hindi, mas marami tayong mapapatay na infected at mas maliligtas natin sila, mauna na ako!" Tugon ni Yves, agad kumunot ang noo ko at akmang pipigilan pa ito nang tumakbo na ito patungo sa kinaroroonan ng mini bus na hinahabol ng mga infected ngayon, agad naman itong sinundan nina Tana at Rex.

Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now