(22): Drug Vaccine

1.2K 87 11
                                    

Metro Manila, Philippines
December 2025

Yves's POV
- 5:38:06 pm -

MAGKASALUBONG ang dalawang kilay ko na umakyat patungo sa kwarto ko. Hindi ko maikalma ang sarili ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sila nga ay may gawa noon. Hindi ko maintinidihan ang dalawang iyon kung bakit nila kailangan gawin ang bagay na 'yun. Hindi sila nakakatuwa. Matagal kaming nagpakahirap at imbis na makaalis na kami sa bansang ito ay hindi namin magawa-gawa dahil hindi namin kasama si Zerro.


"What's with your face?" Bumaling ang atensyon ko kay Kuya Kiel nang makasalubong ko ito na mukhang pababa na ngayon. Napairap na lang ako sa kawalan dahil sa kagustuhang sabihin sa kanya ang nangyari, pero hindi ako ganoong klase ng Tao. Ugali kong alamin ang totoo pero hindi ako magsasalita dahil ayokong naiipit ako.

"Wala. Pagod lang ako. Lumayas ka diyan." Kunot noong sambit ko at lalagpasan na sana siya nang may maalala akong itanong.

"Si Avery pala, kumusta na?" Tanong ko dahil halata namang doon siya nanggaling sa kwarto ni Avery dahil may stethoscope pang nakasabit sa leeg nito habang dala-dala ang tray na may lamang mga gamot.

"She's fine now, bumaba na ang temperature niya. Napainom ko na rin siya ng gamot, pero hindi pa siya kumakain. Zerro's already there kaya sabi ko na siya nalang ang magpakain ng lugaw na niluto ni Mama kapag nagising na si Avery." Bahagya itong ngumiti pero halatang pilit naman.

Napangiwi ako dahil alam ko ang mga ganyang reaksyon niya. Nagseselos ang gago. Ewan ko sainyo. Hindi ko alam kung tama at tugma ang inaakto ngayon ni Kuya. Pero cringe, hindi ko kaya. Ang corny.

"Titignan ko nalang siya mamaya, papasok na ako sa kwarto ko." Sambit ko atsaka ko mahinang tinapik ang braso niya. Pero kingina, ang hina na nga no'n nagreklamo pa rin ang gago. Masakit raw.

"Oo nga pala, pakidalhan na lang ako ng pagkain mamaya sa kwarto. Ayokong bumaba, tinatamad na ang mga paa ko. Huwag kang magreklamo kung ayaw mong ibunyag ko ang sikreto mo." Natatawa kong pananakot sakanya habang nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto ko. Kinunutan niya naman ako ng noo.

"What?" Tanong niya pa pero hindi na ako sumagot pa at sinarhan na siya ng pintuan. Letse. Hindi mo alam kung bingi ba o hindi lang makaintindi eh.

Dumiretso ako sa tapat ng kabinet ko at saglit na nagpalit ng damit. Saka ko hinablot ang radyo na kahapon pa kinakalikot ni Mama. Kingina naman kasing signal 'yan, napakahina. Walang kwenta. May nakontak na kami noong nakaraan at hindi namin alam kung sino 'yun dahil bigla rin nawala 'yung mahinang signal na nasagap namin kaya hindi namin maayos na nakausap.



L seeSinusubukan naming kumontak ng taong makakatulong sa amin paalis sa bansang ito dahil bukod sa nauubusan na kami ng makakain at maiinom ay wala na kaming mapapala kung habang buhay pa kaming mabubuhay kakalaban sa mga Zombies na hindi naman maubos-ubos.



Hindi na namin hihintayin pa ang panahon na tuluyan na kaming mawalan ng pagkain at makipag-kainan nalang sa mga pesteng Zombie na 'yan. At hindi ko na rin hihintayin pa ang panahon na susuko nalang kami dahil pagod na kaming mabuhay pa sa mundo kasama ang mga buhay na dapat ay matagal ng patay at nailibing sa hukay.



*Kssssssskk*


Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo sa kama nang marinig kong umugong ang hawak kong radyo. Hindi ako nagkakamali! Nanlalaki ang mga matang inangat ko ito at ganoon na lang ang bilis ng tibok ng puso ko nang muli kong marinig na umugong ito. Senyales na may tao sa kabilang linya! Focc disc sheyt!



Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now