(31): Ghost?!

872 50 4
                                    

Metro Manila, Philippines
Thursday

Santy's Pov
5:52:01 pm

Hospital

"AAAA!! PUTANGINA!!" Muling malakas na tili ni Tana nang may makasalubong na naman kaming multo. Oo, multo! Hindi infected!

Mabilis kaming lumiko sa isang pasilyo at doon tumakbo. Hindi naman mapigilan ni Tana ang mapahagulgol dahil kanina pa siya sigaw ng sigaw, dahil kanina pa rin kami hindi tinatantanan ng mga multo na nakikita namin.

Hindi ko alam na mas gugustuhin ko pa palang makakita ng infected, kaysa sa multo. Dahil ang multo ay hindi kami tatantanan, kumpara sa infected na barilin mo lang sa ulo ay wala ng laban.

Tanginang hospital 'to, punong-puno na nga ng infected, punong-puno pa ng multo. Kaonti na lang ay mahihimatay na si Tana dahil sa gulat sa tuwing may susulpot na infected o multo. Hindi niya rin matukoy kung alin doon ang multo o infected, kaya naman nasasayang lang ang bala sa tuwing papatamaan namin ang mga bigla na lang mga sumusulpot na multo at hindi naman ito natatamaan, dahil nga hindi naman talaga ito buhay. Fuck it!

"Ayoko na, I'll stay here na lang. Hindi ko na kaya." Parang maiiyak na si Tana habang hinahabol ang hininga niya sa sobrang hingal kakatakbo. Pare-pareho naming habol habol ang hininga namin, habang nakahawak pa sa tuhod. Wala pa kaming nakukuhang mga gamot, tanging mga gamit lang na maaari naming gamitin, dahil bukod sa hindi namin alam kung saan makikita ito at panay din ang sulpot ng mga multo at infected sa lugar na pupuntahan namin.

"Sumpa ang hospital na 'to, gusto ko ng umalis." Nanghihinang bulong ni Tana. Napa-buntung hininga naman ako.

"Ganito na lang, dalhin mo na 'tong mga nakuha nating gamit at bumalik ka na sa campervan, kami na lang ang kukuha ng mga gamot." Pag-abot ko ng bag na may lamang mga emergency equipment kay Tana.

"What? Alone? Lalabas ako dito ng mag-isa? Didn't you see how lot of ghosts ang nakasalubong natin kanina? Tapos papaalisin mo ako rito ng mag-isa? No way!" Reklamo nito at parang maiiyak na naman.

"I hate ghosts," nakasimangot na sambit nito. Nilingon ko naman si Devoir at Riki.

"Riki, samahan mo na siya. Lumabas na kayo rito." Pagtukoy ni Devoir kay Riki na agad namang tumango bilang tugon. Hindi ko alam kung weird ba siya o ano, pero wala manlang akong nakikita na takot sa mga mata niya kanina pa, hinabol na kami't lahat ng mga multo at infected ay parang wala lang siyang pakialam pero sumasabay pa rin siya sa takbo namin.

"Babalikan ko kayo, ihahatid ko lang siya sa labas. Tara," paglingon nito kay Tana. Sasabihin ko pa sana na huwag na siyang bumalik dahil baka mahirapan lang siyang pumasok uli sa dami ng infected na tinakasan namin kanina. Ngunit, nakaalis na ito at hindi hinintay si Tana.

"W-wait!" Aligagang tumayo si Tana at inayos ang pagkakabitbit na sa bag, bago tumakbo para habulin si Riki na nauna na sa kanya.

"Too cold," natatawang sambit ni Devoir na nasa tabi ko, si Riki ang tinutukoy.

"Pansin mo rin ba, parang wala manlang siyang reaksyon kahit hinahabol na tayo ng mga ghosts and infected kanina, 'no?" Takhang tanong ko kay Devoir.

"Pansin ko rin. Well, she's kinda cool," pagkibit balikat nito. Muli naman na kaming nagtuloy sa paglalakad at sa pagkakataong ito ay nagdahan-dahan na kami sa mga galaw namin, dahil baka makuha na naman namin ang atensyon ng mga infected.

Nakikita rin kaya ng mga infected ng ghosts? I'm curious. Natatakot rin kaya sila roon?

Mukha namang hindi nila nakikita dahil masiyado silang hayok sa paghahabol sa amin kanina.

Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now