(43) They're coming

260 13 0
                                    


YEAR 2029
Seattle, Washington United States

AVERY AVELLON
1:08:46 pm

Bakas ang pagtataka sa buong mukha ko habang nakatanaw sa lugar kung saan ang pinanggalingan ng pagsabog at sunog na iyun.

Hindi maalis-alis ang pagkunot ng noo ko habang tinatanaw ang paglaki ng sunog sa iisang lugar na iyun at kahit pa napakalayo nito mula sa direksyon ko ay rinig na rinig ko pa rin ang sirena ng ambulansya at mga bumbero.

Imposible.

Narinig ko ang sinabi ni Cass at naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. At ang pagsabog na siyang naganap ngayon ay ayokong isipin na may kinalaman ito sa tinutukoy ni Cass. The fact that she's working exactly where the fire was occuring right now ay hindi malabong iyun ang dahilan ng sunog na nagaganap ngayon.

Hindi maaaring mangyari muli ang siyang tinapos at tinakbuhan namin.

Hindi na pwede.

Sa sobrang focus ng atensyon ko sa lugar na iyun ay hindi ko napansin na may taong papasok sa rooftop, dahilan para magulantang ako sa pagbukas ng pinto.

Bumaling ang tingin ko kung saan ang direksyon ng pinto ng rooftop. Ngunit nang pumukol roon ang tingin ko, kasabay ng pagkakasalubong ng dalawang kilay ko nang masilayan ko ang isang pigura ng taong pamilyar na pamilyar sa akin.

Alam kong unang pagtapak pa lamang ng paa nito sa semento ay alam ko na kung sino ito, dahilan nang saglit na pagtigil ng tibok puso ko. Hindi ko alam ang unang mararamdaman ko dahil ang presensya pa lang nito ay halos ikinabaliw na ng buong pagkatao ko.

When did he get here?

Nang sa wakas ay iniluwa na ng pinto ang buong katawan nito at masilayan ko ang mukha niya ay naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko. Hindi ko alam kung bakit ko naramdaman iyun sa sandaling iyun, marahil ay mahigit isang buwan ko rin siyang hindi nakita at nakasama dahil sa surgery niya.

Ngunit ang makitang malusog ang katawan nito at kakaiba ang awra niyang siyang naging dating sa akin ay hindi ko napigilan ang sariling maluha.

"Hi," hindi ko nagawang rumisponde agad nang hindi ko namalayang nakarating na ito sa harapan ko. May nakaligtaan ba akong oras at hindi ko napansin na mas lalo siyang tumangkad at mas naging matipuno ang katawan niya?

"Hey, I said hi." Napaatras ako ng hakbang nang sa pangalawang pagkakataon na magsalita ito ay napansin ko na pati ang boses niya ay lumalim, kahit pa ang saglit na pagtawa nito ay kapansin pansin na lumalim.

What the. Is this even the Zerro I know?!

Ang pagkakaalam ko, kapag ang tao ay na-undergo ng surgeries ay malaki ang pagbabago sa pangangatawan nila. Well, yes. Oo, malaki nga ang nagbago sa kanya, but it's the opposite to what I'm expecting.

He became more buff than before.

"Bakit?" Tanong nito nang bahagya akong lumayo sa kanya.

"Aren't you surprised seeing me here?" He asked that made me scoffed in air.

"I am. Pero," bakas ang pagtatakha sa mukha kong tinignan siya mula ulo hanggang paa, dahilan para taasan ako nito ng dalawang kilay.

"Pero?"

"Sino ka?" Naguguluhang tanong ko, dahilan para dahan-dahang mawala ang ngiti nito sa labi at bumagsak ang balikat niya.

"I mean. Ikaw ba talaga si Zerro?" Nagugulat na tanong ko, matapos no'n ay humakbang ako papalapit sa kanyang upang sipatin ang buong pagkatao niya.

Lockdown Z [Survival Begins] Où les histoires vivent. Découvrez maintenant