(10): Zdawn

1.5K 91 3
                                    


𝙼𝚎𝚝𝚛𝚘 𝙼𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊, 𝙿𝚑𝚒𝚕𝚒𝚙𝚙𝚒𝚗𝚎𝚜

Avery's POV
— 𝟽:𝟶𝟻:𝟹𝟿 𝚙𝚖 —

SA PAGBALOT ng dilim sa malamig na gabi, lahat kami ay nakaramdam ng pagod at sakit ng katawan matapos ang isang nakakapagod na pakikipag-habulan at pakikipag-sapalaran laban sa kumpol-kumpol na mga Zombies na nagkalat sa labas ng building namin.





Ngunit ngayong nakalabas na kami ay hindi ko aakalaing dito ko mas makikita ang tunay na gulo. Everything is such a mess and ruined, na kahit saan ko pa ibaling ang paningin ko ay parang babaliktad ang sikmura ko dahil sa mga dugo at iba't-ibang parte ng mga katawan na nagkalat sa bawat daang tinatahak ng aming sasakyan. Lahat rin ng ilaw sa daan ay mga patay-sindi na at ang iba pa ay sira na.





Kitang-kita ko rin kung paano magliyab ang bawat matataas na gusali at pabrika na pakiwari mo'y nagkaroon ng matinding digmaan dahil sa sobrang lalakas ng mga apoy na bumabalot dito at kaonti nalang ay tutumba na nang dahil sa pagkawasak ng ibang parte nito.





"Bakit hindi ka matulog?" Isang sulyap ang ibinigay ko kay Kiel nang marinig ko ang boses nito, si Zerro at Tita Ana ay saglit na umidlip habang si Yves naman ay patuloy pa rin sa pagmamaneho.




"Hindi ako inaantok." Sagot ko at muling ibinaling ang tingin sa labas.




Dalawang linggo na ang itinagal namin dito at hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kay Tita kung kailan siya darating. Saglit ko pang sinilip ang cellphone ko at muli lang akong nadismaya nang wala pa ring signal ang phone ko, walang pag-asa para makontak ko si Tita.




Ilang minuto pa ang lumipas bago ko maramdaman ang paghinto ng sinasakyan namin.





"Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" Bigla ay sambit ni Yves kaya nagtatakha ko siyang sinilip, napagtanto kong nakatingin siya sa labas at sa hindi kalayuan ay may napansin akong may nakasindi na light street at katabi nito ang FCM, Free Choice Mart na kung saan hindi ganoon kalakihang grocery store, pero lahat yata ay mabibili na doon. Bigla ay nakaramdam ako ng saya at pagkagana, at mas lalo ko rin yatang naramdaman ang pagkagutom ko nang kahit malayo pa ay naaamoy ko na ang sarap ng pagkain.




Gutom na gutom na ako!





"Is that a grocery store?" Tanong pa ni Kiel na nasa tabi ko nang makita niya ang tinitignan namin ni Yves.






"Ma, gising na!" Lumapat ang napakabigat na kamay ni Yves sa braso ni Tita Ana na natutulog dahilan para mabulabog nito ang natutulog na diwa ni Tita Ana.





"Anak ng— bwakangina naman! Ano ba 'yon?! " Bungad na pagmumura ni Tita Ana habang kunot ang noo at kumakamot pa sa ulo dahilan para mapahagalpak ng tawa si Yves.




"Gumising kana diyan, kadiri ka, tulo pa laway mo." Nandidiring pang-aasar nito sa ina na agad naman siyang binatukan dahilan para mapainda siya sa sakit.





"Kingina, aray ah!" Singhal naman nito pabalik, napapailing nalang ako habang nakangiti dahil hindi ko akalaing ganoon nalang sila kung magturingan na akala mo ay magtropa lang na kung tutuusin ay mag-ina talaga sila.




Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now