(39): Antibodies

925 69 17
                                    

2025, Cavite, Philippines
December

Yves's POV
9:08:16 pm

"Ugh!" Daing nito nang patalikod ko siyang sikuhin at mabilis na tinadyakan ang pagkalalaki nito nang mabitawan niya ako. Nagmadali naman akong kunin ang isang baril ko sa lamesa kung saan ko ito inilapag kanina, at nang mahablot ko ito ay walang pag-aalinlangan itinutok ko ito sa paa niya at saka iyon pinaputok, dahilan para mas lalo siyang mapasigaw sa sakit.

"Fuck!" Hiyaw niya, matalim naman ang tingin na dahan-dahan ko siyang nilapitan. Huminto ako sa paanan niya at saka ko muling itinutok ang baril sa kanya, ngunit sa pagkakataong ito ay sa ulo ko na iyon itinapat.

"Ngayon, sabihin mo sa'kin. Anong kailangan mo sa mga kasama ko?" Mas tumalim pa ang mata ko nang magtama ang tingin namin, masama na rin ang tingin nito kaya naman nilabanan ko iyon.

"Will you please calm down and hear me out first?" Bahagya ko siyang sininghalan, hear me out? Eh, putangina pala nito, eh! Nauna pa 'yung kilos niya kesa sa salita, paano ko siyang papakinggan kung gano'n ang ginawa niya?!

Marahan naman itong tumayo at halata sa mukha nito ang sakit na nararamdaman niya. Ngunit, hindi ko inalis ang tingin sa kanya at pinanatiling nakatutok sa kanya ang baril ko.

"Put it down," mahinahong utos nito nang makitang na sa kanya pa rin nakatapat ang baril ko, pero hindi ko siya pinakinggan dahil hindi ako uto-uto na akala niya.

"Listen, hindi ako kalaban, but they are." Mahinahon pa ring sambit nito habang nakaturo sa bintana, tinutukoy ang mga armadong lalaki na nakita ko sa labas.

"Ha! Ano ka, ulol? Bakit naman ako maniniwala sa'yo? After ng ginawa mo sakin, ine-expect mong maniniwala ako sa sasabihin mo? Ha! Malamang sa malamang ay kasamahan mo ang mga 'yun! Hindi mo 'to maloloko, boy! Mautak 'to! Kaya sabihin mo sa'kin ngayon kung anong kailangan niyo kung ayaw mong pasabugin ko ngayon 'tong baril ko sa ulo mo! At huwag mo akong tinatarantado dahil hindi mo ako madadala sa mga ganyan." Bulyaw ko, mahina naman itong napa-buntung hininga.

"Will you shut up? I'm an ally here and not an enemy, so please fucking put down your gun hangga't hindi pa nauubos ang pasensya ko." Napaawang ang labi ko.

"Wow! So, ano? Kasalanan ko pa ngayong pinagkakamalan kitang kalaban? Sino bang tarantado ang bigla na lang humigit sa akin at tinakpan ang bibig ko? Sa tingin mo anong labas sa akin no'n? Malamang, tangina! Ang labas sa akin no'n ay may masama kang gagawin at kalaban ka, tanga!" Singhal ko sa kanya, sumama naman ang tingin niya sa akin.

"I did that because you're so fucking loud. Sa sobrang ingay mo ay imbis na makatakas kayo at hindi nila kayo mahuli, ay mas mapapabilis pa nilang malalaman kung nasaan kayo." Kumunot ang noo ko, ngunit nananatiling nakatutok sa kanya ang baril ko.

"Takas? Bakit kami tatakas?" Nagdududang tanong ko kahit hindi pa rin ako naniniwala sa taong 'to, hindi katiwa-tiwala ang mukha niya para sa akin, kaya naman hindi ganoon kadali para maniwala uli ako sa kanya.

"Dahil kayo ang target nila," sagot niya.

"Edi kakampi mo nga sila!" Singhal ko, dahilan para kunutan niya ako ng noo.

"What?!"

"Gago ka pala, e! Alam mong kami ang target nila, malamang kakampi mo sila!" Singhal ko sa kanya, para namang nawawalan siya ng pasensyang napapikit at napahilot sa bridge ng ilong niya.

Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now