(45): Huge wave

642 20 11
                                    

YEAR 2029
Seattle, Washington United States
Second District

ELEVEN KIMSTON POV
(new character)
1:10:24 pm

"Hey, El. Wake up," mula sa pagkakatulog ay naalimpungatan ako nang dahil sa isang marahan na yugyog nang kung sino. Nang maimulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang mukha ng kaibigan kong si Sai.

"What?" Asar kong tanong sa kanya, kunot ang noo.

"We're almost there," sambit nito. Inilipat ko naman ang tingin ko sa bintana ng sinasakyan namin at napansing nasa kalagitnaan kami ng traffic.

"Come on! Why aren't they moving?" Bulalas ni River na sinundan pa ng sunod-sunod na busina nang hindi na gumalaw ang mga sasakyan sa harapan namin.

"Kanina pa ba 'yan?" Badtrip kong baling kay River.

"Yea, it's been 10 minutes already and we're still stuck in here," tugon niya. Malakas naman akong napabuntung-hininga at muling sinipat ang unahan. Sa sobrang tagal umusad ng mga sasakyan ay naburyo na ako kahihintay kaya naman bumaba na ako ng sasakyan.

"Hey, El! Where are you going?" Hindi ko binigyan pansin ang pagtawag sa akin ni Sai at tuloy-tuloy lang na bumaba.

Kanina pa kami nasa byahe, pero anong oras na hindi pa kami nakararating sa patutunguhan namin.

Paglabas ko ng kotse ay naglakad ako paunahan. Kunot ang noo ay bumungad sa akin ang ibang tao na nakababa na rin sa mga sasakyan nila at panay na ang reklamo. Ang iba ay patuloy pa sa pagbubusina.

Peste, mukha bang may magagawa 'yang busina nila kung pare-pareho kaming ipit sa traffic.

"El!" I heard Green's voice. Ang isa pa naming kaibigan. Ngunit hindi ko siya nilingon at nagtuloy pa rin sa paglalakad.

"Eleven, hey! Wait."

"Ano ba 'yun? Anak naman ng tokwa, bumalik kana ro'n," kunot noong pagpapabalik ko sa kanya, pero hindi ito sumunod. Minsan ay nakakaintindi siya ng Tagalog, pero hindi ko alam sa ngayon. But he knows how to speak Tagalog.

"Where are you going? Come on, let's get back-"

"Hep, what did I told you?" Pigil ko sa kanya. Agad naman siyang napairap.

"I said, let's balik there. Sa car na. Kasi the light might go green and maiwan ka dito kapag inandar si River ng car."

Ano daw?

Aight, I take it back. Hindi siya talaga ganoon kagaling magsalita ng Tagalog.

"Okay, first and for all, Green. The light is already green for freaking a minute ago but no one is moving. Second of all, hindi paandarin ng sasakyan si River kaya kumalma ka," nabuburyong paliwanag ko.

Ngunit pareho kaming nagulantang nang umugong ang napalakas at nakakatakot na sirena ng emergency alert system. Nangibabaw iyun sa buong lugar kaya naman halos lahat kami ay napadapa sa lupa at napatakip sa tainga.

"What the heck? Anong meron?!" Nagugulat na tanong ko, dahil tumutunog lang naman ang emergency alert kapag may paparating na delubyo.

Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now