(32): Scratch

833 50 2
                                    

2025 Metro Manila, Philippines

Yves's POV
@store

Dumagundong ang matinding kaba sa buong dibdib ko nang kitang kita namin mula sa loob ng store kung paanong natumba ang katawan ni Ezekiel, senyales na wala na itong buhay.

"Tangina, anong klaseng nilalang 'yan?!" Mahinang bulalas ko at ramdam ko na ang tagaktak ng mga pawis ko habang namamasa na rin ang kamay ko.

"Isn't he already infected? Bakit parang tao pa rin siya?" Naguguluhan na ring tanong ni Kuya nang makita namin ang isang nilalang na may hawak na chainsaw. Lalo akong napalunok.

T-tangina, paanong nakakahawak siya ng ganyang kabigat na bagay, na kung tutuusin ay infected na siya. Sa sobrang tatanga ng mga infected ay hindi na nila alam kung paano nakakahawak ng ganyan, but this one? Fuck, how the hell?!

Nakita pa naming palinga-linga ito sa paligid bago nito hilain ang katawan ni Ezekiel sa gilid ng store, dahilan para hindi na namin makita pa ito. Pero rinig na rinig naman ang tunog at pag-andar ng chainsaw, at ayoko ng isipin kung ano pa man ang ginagawa nito kay Ezekiel gamit ang chainsaw, dahil paniguradong manginginig lang ang buong kalamnan ko.

"Yves," namumutlang lumingon sa akin si Avery habang nanginginig pa ang labi nito. Halatang natatakot na sa sitwasyon namin.

"H-hindi ba dala mo 'yung walkie talkie mo?" Saad nito sa pinakamahinang tono, agad agad naman akong napatango sa tanong niya. At tila nabigyan ng pag-asa ang mga mata nito nang marinig ang sagot ko.

"Contact-in mo si Mama," sambit ni Kuya na ikinalingon ko sa direksyon niya.

Pero maingay ang ugong ng walkie-talkie, baka makuha namin ang atensyon ng hindi matukoy na nilalang na 'yon.

Fuck, ngayon ka pa ba naman aatras, Yves?! Nasaan na ang tapang at yabang mo?!

"Faster, we need to call a help. We can't get out of here kung mananatili lang tayo dito at hihintaying makapasok 'yan dito," tukoy ni Kuya sa nilalang na rinig na rinig namin ang atungal.

Tao pa rin ba talaga 'yun?

"O-oo na, sige! Sandali lang, tabi, diyaan ako pupwesto para hindi masiyadong marinig ang ugong nito," paghawi ko sa kanya para makaatras ng puwesto.

Nang makapagpalit na kami ng puwesto ay mabilis kong hinugot ang walkie-talkie sa bulsa ko at mahigpit na tinakpan ito para hindi ganoon kaingay. Nang marinig ko na ang tunog nito ay hindi ako magkanda-ugagang magsalita at halatang garalgal ang boses ko nang dahil sa kaba.

"Ano?! Ayusin mo nga ang salita mo, hindi kita maintindihan!" Singhal nito sa kabilang linya, dahilan para mapapikit ako sa asar.

"Pumunta ka dito! Kailangan namin ng tulong!" Mahal na singhal ko pabalik.

"Bakit, anong nangyari?!" Giit nito.

"May na-encounter kaming infected pero tao . . Ah basta! Tangina, hindi ko alam kung anong klaseng nilalang 'to, ang alam ko lang masiyadong delikado dahil may hawak na malaking chainsaw!" Mahabang litana ko habang pinapanatili ang kahinaan ng boses ko, kahit gusto ko ng sumigaw sa asar d

"Ano?! Teka, sige sige. Papunta na!" Sambit nito at nawala na ang ugong sa kabilang linya, kaya naman ibinaba ko na ito at muling ibinulsa.

Lockdown Z [Survival Begins] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon