(13): Saved

1.3K 85 13
                                    



𝟸𝟶𝟸𝟻 𝙼𝚎𝚝𝚛𝚘 𝙼𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊, 𝙿𝚑𝚒𝚕𝚒𝚙𝚙𝚒𝚗𝚎𝚜
𝚃𝚑𝚞𝚛𝚜𝚍𝚊𝚢

𝚂𝚊𝚗𝚝𝚢'𝚜 𝙿𝙾𝚅
𝟷𝟸:𝟹𝟺:𝟶𝟶 𝚊𝚖 —

I LET OUT a deep sigh as I stood again infront of the door of my room habang dala-dala ko na ang planggana na may lamang tubig at bimpo, hawak ko na rin ang bandages na gagamitin ko para itapal sa sugat niya.






Dapat ko bang gawin ito? Pwede naman sigurong huwag na at iwan ko nalang tapos siya nalang ang maglinis ng sarili niyang sugat tutal hindi naman siya baldado, hindi ba? Pero magmumukha naman akong walang puso kung gagawin ko iyon.






"Aish, bakit ba ako isip ng isip? Pwede namang umakto nalang ako ng normal." Pakikipag-usap ko pa sa sarili habang nakatayo pa rin sa harap ng pintuan.







"Hoy! Ano pa bang ginagawa mo diyan." Muntikan ko ng maitapon ang lamang tubig ng planggana dahil sa gulat nang biglang sumulpot si Cass sa likuran ko habang dala-dala ang tray ng pagkain, tubig at gamot. Sinundan ko pa siya ng tingin na agad ng binuksan ang pintuan at tuloy-tuloy ang pasok kaya naman sumunod nalang ako.






"Hi, pogi. Paniguradong gutom kana, kain ka muna." Bungad na pagbati ni Cass dito, naabutan pa namin itong nakaupo lang sa kama habang nakatulala sa kawalan.






"Ako nga pala si Cass, kaibigan ako ni Santy, we save you kanina kasi mag-isa ka nalang na natutulog sa sasakyan niyo, mukhang iniwan ka na nung mga kasama mo. Kaya Santy decided na isama ka nalang dito sa place namin kesa naman pag-piyestahan ka ng mga nakakadiring infected na 'yon." Mahabang lintana ni Cass.







"Iniwan ba talaga nila ko?" Naguguluhan nitong tanong at dumapo saakin ang kanyang tingin na nagpatindig sa balahibo ko kaya naman agad akong napaiwas ng tingin.






"Ah, sige, balik na ako sa kwarto ko. Matutulog na ako, goodmornight sainyo hehe." Paalam ni Cass nang maramdaman niya ang pagkailang ko. At nang sa wakas ay tuluyan siyang makalabas ay agad kong inilagay sa kama katabi niya ang tray ng pagkain.







"Kumain ka muna habang nililinisan ko ang sugat mo." Saad ko at naupo sa tabi niya.







Ilang segundo niya pang tinitigan ang pagkain bago ito kainin. Kaya naman kinuha ko iyong pagkakataon para kausapin siya.






"Kanina, nagkataon na pumunta kami sa mart kung saan kayo nandoon. Ang totoo, iyong apat lang na kasama mo ang nakita ko no'n kasama si Avery, I didn't know you were there—" matapos kong sambitin ang pangalan ni Avery ang kasama niya sa dorm na pinag-iistayan niya ay agad siyang napahinto sa pagkain at napatigin saakin.






Muli akong napaiwas ng tingin dahil nakikita ko ang guilt sa mga mata niya. I know who's Avery in his life, kaya nga kami nagkahiwalay noon.

Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now