(37): Stranger

907 49 5
                                    

2025 Cavite, Philippines
December

Yves's POV
12:04:19 pm

Nang makarating ako sa third floor ay agad kong hinagilap ang pinto ng kuwarto. Nang makita ko naman 'yun sa gitna nitong corridor ay dire-diretso akong tumungo roon habang pilit kong pinipigilan ang mga luha kong nagbabadya na naman.

Sobrang bigat ng nararamdaman ko at hindi ako sanay sa ganito, kaya naman hindi ko alam kung paano ko ito mapanghahawakan at mapipigilan. Sa sobrang bigat sa loob ay parang napapalitan lahat ng galit sa dibdib ko nang puro luha dahil hindi ko magawang makapag-salita at sabihin lahat ng sakit at hinanakit ko sa harapan nila. Mas gusto ko na lang mapag-isa at manahimik sa iisang lugar.

Nang maabot ko ang doorknob ng pinto ay mabilis kong pinihit 'yun at binuksan. Ngunit nang pagbukas ko ay agad nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa gulat nang sumalubong sa akin ang baril na nakatutok mismo sa mukha ko. Mabilis akong napaatras at napataas ng kamay nang maaninag ko ang mukha ng isang lalaki, seryoso ang mukha nito. Wala akong mababasa na kahit anong emosyon, ngunit seryosong seryoso ang mukha nito.

"Sino ka?" Hindi pa rin natanggal ang gulat sa mukha ko, dahil hindi ko inaasahang may tao akong makikita rito.

Oo, tao. Buhay at walang kahit anong galos. Malinis ang katawan at pananamit nito. Matikas at maayos ang tindig nito. Malakas rin ang dating niya sa paraan ng paghawak niya ng baril. Ngunit hindi ko nagugustuhan ang pagka-seryoso ng mukhang ipinakikita niya sa akin, dahil ramdam ko na isang maling kilos ko lang ay hindi ito magdadalawang isip na pasabugin ang bungo ko.

Hindi ko naman pinakita ang kaba na nararamdaman ko at hinayaan ang sarili na kalabanin ang mga tingin niya.

"Who are you?" Balik na tanong nito sa akin. Hindi ko rin inaasahan ang lalim ng boses nito dahilan para tumindig ang balahibo ko. Basang-basa ang buong katawan ko nang dahil sa tubig ulan, ngunit hindi ko alam na may mas ilalamig pa pala akong mararamdaman nang marinig ko ang tinig nito.

Putangina!

"Wala akong masamang balak gawin kaya ibaba mo 'yang armas mo," kumunot ang noo ko. Pinanatili ko ang angas sa tindig at pananalita ko, pero hindi siya natinag manlang at hindi ibinaba ang baril niyang nakatutok pa rin sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Sa tanang nang buhay ko ay 'yun na yata ang pinakat-tangang tanong ang narinig ko. Aaminin kong namangha ako sa tapang niya kanina, ngunit agad din iyung naglaho nang dahil sa isang tanong niya.

Tangina, ano raw ang ginagawa ko rito? Ano ba sa tingin niya ang nangyayari sa mundo ngayon? Nagkakagulo at namamatay na ang lahat, malamang ay maghahanap ako ng lugar kung saan alam kong ligtas ako! Engot amputa!

Sa sobrang badtrip sa tanong niya ay hindi na ako nagsayang pa ng oras na sagutin siya. Wala rin akong oras para makipagtalo pa sa kanya dahil wala ako sa sariling katinuan ngayon, masama ang loob ko at kahit anong oras ay kaya ko rin siyang patumbahin.

Marahan akong bumuga ng hangin sa kawalan at napairap. Pabagsak kong ibinaba ang dalawang kamay kong kanina pang nakataas. Isang beses ko pa siyang pinasadahan ng tingin bago siya talikuran at akmang aalis na nang marinig ko pa ang boses nito.

"Sinabi ko bang umalis ka?" Pinipilit na pakalmahin ang sariling huwag kalabitin ang baril na hawak hawak kong humarap sa kanya.

Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now