(6): Escape

1.8K 118 40
                                    

dedicated to: angelnham , ahotlessjen




𝙻𝚞𝚖𝚒𝚎𝚛𝚎 𝚁𝚎𝚜𝚒𝚍𝚎𝚗𝚌𝚎, 𝙿𝚊𝚜𝚒𝚐, 𝙼𝚎𝚝𝚛𝚘 𝙼𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊
(𝚂𝚊𝚝𝚞𝚛𝚍𝚊𝚢)

Avery's POV
— 𝟿:𝟶𝟶:𝟷𝟿 𝚊𝚖 —

SA PAGLIPAS ng oras, alas nuebe ng umaga ay hindi na natigil ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Narito ako ngayon sa harap ng salamin nakatitig sa aking sarili habang bihis na bihis at nakaimpake ang mahahalagang gamit na kailangan dalhin para sa emergency.






Inayos ko ang suot kong sumbrero at leather jacket bago ko hablutin ang bakal na matulis ang dulo, isinuksok ko rin ang kutsilyo na pwede kong gamitin sa bulsa ng jacket ko sa loob. Nang matapos ako ay saka ko na binitbit ang gamit ko at lumabas ng kwarto.







Naabutan ko pang nakaupo si Zerro sa sofa habang may hawak-hawak na hindi kalakihang papel, sa kyuryusidad ay lumapit ako sakanya at tinignan din ang papel na hawak niya.







"Map ito ng building natin, tinitignan ko kung saan tayo pwedeng shumort-cut ng labas. Dito sa parteng ito, matatagpuan ang emergency exit, masiyadong pribado ang parte na 'to kaya sure akong wala tayong makakasalubong sa daang yon. Palabas na yon papuntang parking lot. Pero kailangan pa muna nating bumaba ng limang floor bago makarating sa exit." Pagpapaliwanag niya habang tinuturo ang daan sa mapa. Bahagya akong napalunok dahil mahaba pa pala ang tatahakin namin bago kami makalabas dahil 6th floor ang pagmumulan namin.






"Ready ka na ba?" Tanong niya at tinignan ang kabuuan ko, napatango naman siya nang makitang handa na ako. Kaya naman sinukbit niya na rin ang bag niya kasabay ng baseball bat na hawak niya.







"Tara na." Sambit nito at nanguna sa paglalakad patungo sa pinto. Nagpakawala pa muna ako ng isang mabigat na buntung-hininga bago mahigpit na hinawakan ang bakal na dala-dala ko. At nang sa wakas ay matanggal na ni Zerro ang kabinet na nakaharang sa pinto ay dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at magkabilaang sinilip ang hallway.









"Clear. Tara!" Sambit niya at mabilis na lumabas ng pinto habang nakahanda ang baseball bat niya at ako naman ay ganoon din ang ginawa habang nakasunod sakanya.








Maingat akong naglalakad habang harap, likod, kaliwa at kanan ang tinitignan. Doon ko lang napansin na tahimik at walang masiyadong undead creatures kaming nakakasalubong. Magpapasalamat na sana ako ngunit nagulat ako nang bigla nalang akong hilain ni Zerro patago sa isang pader na poste nang makarinig kami ng mga ungol ng zombies sa dilim na bahagi ng hallway sa dulo.








"Fuck, bakit ang dilim banda diyan." Pagtukoy ni Zerro sa hallway na dadaanan namin patungo sa elevator na pupuntahan namin para makababa kami sa isa pang floor.







"Zerro, balik na lang kaya tayo?" Nawawalan na naman ng lakas ng loob na suhestiyon ko.







"Ano ka ba, hindi na pwede. Nandito na tayo." Kunot noong sambit niya at saglit na sinilip ang daan na dinaanan namin kanina.







Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now