(30): What was that

867 48 1
                                    

2025 Metro Manila, Philippines
Thursday

Avery's POV
5:40:31 pm

Ang lahat ay naghahanda na sa pag-alis, maliban kay Yakov, Tita Ana, Rex at Cass na maiiwan dito sa campervan para daw magbantay at magmasid, habang si Yakov naman ay sadyang hindi talaga makakalakad dahil sa pilay at sugat niya.

Ang makakasama ko naman na pumuntang convenient store ay sina Yves, Ezekiel at Kiel. Ang totoo ay si Zerro dapat ang kasama namin, pero gusto daw ni Ezekiel na sa convenient store pumunta dahil daw nag c-crave siya sa pagkain na hindi ko alam kung ano. Kaya ang ending ay napunta sa Team hospital si Zerro, pinagsapilitan din ni Cass na sa team na lang nila Santy siya sumama, para daw may lalaki silang kasama.

Si Zerro naman ay nagpumilit pa rin na sumama kahit sinabi na sa kanya nila Tita Ana na hindi siya pwedeng kumilos kilos at dapat magpahinga lang dahil nga sa sugat niya sa ulo, pero dahil nga siya si superman, batman, spiderman na mayabang, ayon mas pinili ang sumama at magpaka-feeling hero na naman.

At dahil nabuhay akong gaya-gaya, ay nakigaya rin ako. Dapat ay sesermonan na naman ako ng feeling super hero niyo na si Zerro pero narealized niya na pareho lang kami ng sitwasyon, kaya nanahimik na lang siya sa isang tabi. Ayoko rin namang mag-stay lang dito sa campervan, pinanganak akong maganda kaya naman hindi pwedeng itago ko lang 'to sa loob ng sasakyan. Dapat kong i-exposed ang kagandahan ko kahit ang nga zombie lang naman ang makakakita.

Malay niyo, magandahan sila sakin, tapos imbis na ako ang kainin nila, ako pa ang alayan nila ng pagkain. Joke hehe, ano ako lord master nila. Pwede rin naman, masiyado nga lang akong maganda para maging pinuno ng nga panget.

"Dito na tayo, sakto may hospital na malapit dito. At na sa kabilang side lang 'yung convenient store." Nakatayo habang nakamasid sa magkabilang gilid si Zerro, ganoon rin ang iba naming mga kasamahan.

"Hindi ba tayo mahihirapan nito? Mukhang maraming infected dito." Parang nag-aanlinlangan na tanong ni Cass habang nakasilip rin ito sa labas. Maggagabi na ngunit naroon pa rin ang liwanag, kaya naman kitang kita namin ang mga infected na naroon nakakalat. Ang iba pa ay hindi mo maintindihan ang ginagawa dahil parang may sari-sarili itong mundo.

May makikita ka pang kumakaway na animo'y nagmamadali at nagpapara ng masasakyan. Habang ang iba ay parang kumikilos kung ano ang nakasanayan nila noong nabubuhay pa sila.

"Gagi, ano 'yun?" Bumaling ang atensyon naming lahat nang may ituro si Ezekiel hindi kalayuan. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang makita kung ano iyon. Tila biglang dumagundong ang kaba at takot sa buong sistema ko. Aaminin kong exciting ang ganitong adventurous na pangyayari sa buhay, ang pumatay ng mga zombie. Pero kung ganito ang makakasalamuha mo, ay mas pipiliin mo na lang magpakamatay mismo kaysa ma-encounter ang tulad nito.

"What the fuck is he doing?" Tanong ni Yakov nang makita rin ang lalaking akalain mong si spiderman, dahil nagagawa nitong tumakbo ng mabilis at walang kahirap hirap na talunin at akyatin ang matataas na lugar.

Isa lang ang nasisiguro ko kung anong klaseng infected ito.

"Half sprinter half parkour zombie," lumingon sila sa pwesto ko nang sambitin ko iyon. Hindi ko naman matanggal tanggal ang paningin ko sa infected na iyon. Napalunok pa ako at parang gusto ko na lang bawiin ang sinabi ko kaninang sasama ako.

"Sprinter? You mean— gash! Hindi ba, sila 'yung mabibilis tumakbo? Kadalasan sila 'yung mga sumasali sa marathon in real life?" Takhang tanong ni Tana at mukhang bakas na rin sa mukha nito at takot.

Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now