(44): Chaos is starting

361 16 0
                                    

YEAR 2029
Seattle, Washington United States
Second District

CASSANDRA TIONA
12:59:02 pm

Err, gutom na gutom na ako. Sinabi ko na nga ba, dapat pala kinain ko na lang yung mango graham cake kanina, edi sana hindi ko iniisip ang sikmura ko ngayon na kumakalam. Iisipin ko na lang kung paano akong uuwi ng maaga dahil tinatamad na ako, gusto ko nang matulog.

Tss, may case pa naman kami ngayon at ang mga dugo na naman ang kahaharapin ko. Sa gutom ko ay baka iyun na ang maging dessert ko.

Kidding! Ew, gross kaya! What am I? A zombie? Haha, lol! That was long year ago. Hindi na sila mag-eexist pa, ever again! Those dead-stinky creatures just ruined my teenager life, at hindi ko na gugustuhin pang maulit muli 'yun.

Never again, deadly-dogs!

"What's the case?" Bungad kong tanong kay Mavis, ang fil-am kong katrabaho. But he prefers to speak Filipino when I'm around him dahil ang astig daw pakinggan.

Stupid.

"A murder," he responded habang sinusuot ang gloves at mask niya.

"You didn't know what case we were investigating?" Tanong niya pa, but I just smiled at him awkwardly.

"Tss, you didn't listen kanina?" Tanong niya pa.

"Ako? When did I listen? I prefer to take a nap rather than listening to a boring discussion, Mavis." I rolled my eyes habang sabay kaming naglalakad patungo sa destinasyon kung saan nangyari ang krimen.

"Why did you choose to be forensic if you find this boring? Baliw ka ba?" Natatawa niyang tanong habang naiiling pa.

"Weird reason. Hindi mo na gugustuhing marinig pa," turan ko.

"Well, I would love to." Siniringan ko siya ng tingin. Kahit kailan talaga ay napaka-tsismoso ng lalaki na 'to, lahat na lang ay gustong alamin.

No wonder, he became a forensic expert.

"You know what happened to Philippines, right?" I mentioned.

"Yeah, and I don't have any say about that. It's scaring the shit out of me. I don't want that to happen here, kung mangyari man. I'd probably the first one to die and became one of them," kinikilabutan niyang sambit, dahilan para mapangisi ako.

Sino ba namang hindi kikilabutan? Ang buong akala ko ay matapang akong tao, not until that freaking pandemic came and those undead creatures invade the humanity. I realized that I won't survive if it's not because of the people who's willing to save and protect me no matter what.

"Well, I missed blood," sambit ko. Naramdaman ko naman ang tingin nito sa akin.

"Kaya mo pinili ang maging forensic?" Tumango ako na ikinasimghal niya.

"You're weird," nagkibit-balikat lamang ako habang may ngiti sa labi.

"I know."

"Anyway, may nakita na raw bang suspect sa crime?" Tanong ko but he just shrugged.

"I don't know."

"Any witness?" Umiling siya.

"Wala daw, e," sagot niya bago kami tuluyang pumasok sa loob ng kwarto.

Bumungad naman sa amin iyung biktima na nakatakip na ng puting kumot sa sahig habang nagkalat ang mga dugo sa buong paligid.

"What kind of smell is that?" Napatakip ng ilong si Mavis nang umalingasaw ang masangsang na amoy na iyun. Saglit pang kumunot ang noo ko dahil pamilyar sa akin ang amoy na iyun.

Sa tagal naming nakakakita ng mga ganitong krimen at napakaraming dugo ay hindi naman kami nakaamoy ng ganitong kasangsang na amoy. Amoy na para bang.

"It's rotten," reklamo pa ni Mavis.

Amoy na nabubulok.

Dahan-dahan ay nagkasalubong ang dalawang kilay ko nang dumagundong ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Alam kong matagal nang nangyari iyun, ngunit ang  bawat pangyayari, amoy, at tunog sa memoryang iyun ay malinaw na malinaw pa rin sa akin.

At kung hindi ako nagkakamali, ang amoy na siyang umaalingasaw sa pang-amoy namin ay hindi nalalayo sa amoy nila.

Kinutuban ako sa amoy na iyun kaya naman dali-dali ay nilapitan ko ang biktima.

"Wait, don't touch that!" Pagpigil sa akin ni Mavis dahil hindi namin maaaring basta basta na humawak sa biktima o alin man sa mga gamit nito kapag nasa ilalim kami ng pag-iimbestiga, lalo na kapag wala kaming permit.

Ngunit hindi ko siya pinakinggan, at agad na tinanggal ang taklob sa ibabad ng katawan ng patay. At sa oras na tinanggal ko iyun ay agad napahiyaw si Mavis nang makita namin ang itsura ng biktima.

"What the heck?!" He cursed nang mas lalo lang umalingasaw ang masangsang na amoy.

Ngunit imbis na katulad ng reaksyon niya ay iba ang bumalot sa akin. Hindi takot, kundi ay gulat.

Gulat dahil hindi ko inaasahan na ganito ang makikita ko.

Imposible, paanong nangyari? Sino ang may gawa nito?!

"What do you think he did to his body?" Nandidiring tanong ni Mavis at masuka-suka pa nang pati ang tiyan ng biktima ay gutay-gutay na.

Napaiwas ako ng tingin.

"We should get out of here, Mavis. This is not an ordinary murder," baling ko sa kanya. Nangingilid na rin ang luha nito dahil sa pagpipigil ng pagduwal.

"Tara," tumalikod na ako at akmang hihilain siya ngunit nanatili lang siyang nakatayo roon. Kaya naman muli ko siyang tinignan. Nanlalaki ang mga mata nitong makapako sa iisang direksyon.

"Cass..." mahina at nanginginig ang boses nito habang dahan-dahang itinuturo ang nasa likuran ko. Hindi ko na kailangan pang lingunin kung ano ang itinuturo niya, dahil sa ekspresyon pa lang ng mukha niya ay basang basa ko na kung ano ang nangyari.

Fuck it, I know this will happen dahil nakaamoy ito ng dugo ng tao. The victim may dead, pero mabubuhay ang senses nito oras na may lumapit sa kanilang maaari nilang biktimahin.

Mabilis kong hinablot ang baril sa bulsa ko at walang pag-aalinlangan na pinapatukan ng baril ang kaninang patay na ngunit ngayon ay nakabangong muli.

Walang patay ang kayang mabuhay maliban na lang sa mga katawan na pinasukan at pinanirahan na ng mga virus.

Umalingawngaw ang putok ng baril sa apat na sulok ng kwarto matapos kong patumbahin ang nilalang na iyun. Bakas pa sa mukha ni Mavis ang gulat nang masaksikhan niya ang ginawa ko, ngunit hindi ko na siya pinakalma pa o pinaliwanag manlang ang nangyari dahil hinila ko na siya paalis pa roon.

We have no time para tumunganga at iprocess pa ang mga pangyayari sa utak namin dahil nag-uumpisa na naman ang delubyo.

If that person was only a victim, then there might be more victims, dahil hindi pa nila nahuhuli ang suspect. The suspect might be luring now around the city and attacking the innocent citizens.

At hindi nga ako nagkakamali.

Dahil nang makalabas kami sa kwarto na iyun ay nakarinig kami ng bungguan ng mga sasakyan mula sa labas. Malakas ang putok ng baril ko kanina ngunit hindi niyon nakuha ang atensyon nang kahit sino dahil mayroon nang mas malaki pang kaguluhan ang nangyayari sa labas.

And the chaos that we are all afraid to happen came back again.

Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now