(40): Checkpoint

1.1K 64 20
                                    

2025 Cavite, Philippines
December

Yves's POV
12:32:00 am

Pareho kaming natigilan ni Avery, alam kong hindi ako kasama sa usapan nila pero natahimik din ako kahit kanina pa talaga akong tahimik. It just that, what the heck?? Magkapatid sila ni Santy?! Tangina, sapakin ako ngayon na! Naglolokohan ba kami rito? Tanginang trip 'yan, kapatid pero kung makapulupot akala mo maaagawan ng shota.

"H-ha?" Parang saglit na nabingi si Avery sa narinig.

"Kapatid ko si Santy, half sibling." Muling pag-uulit nito.

Wot da focc talaga?!

"W-what? Why didn't you tell me?! Saka, what about the rooftop? 'Yung pinag-uusapan niyo? The way she wanted me to stay away from you, it is as if inaagaw ko siya sa'yo?" Parang mababaliw ng tanong ni Avery, kahit ako ay ganoon din dahil hindi ko iyon inaasahan. Tangina, kapatid? Pero kung umakto parang daig pa niya 'yung girlfriend? Amp!

"All this time, 'yung babaeng pinagseselosan ko ay kapatid mo pala?!"

Tangina?

Gusto kong matawa, pero baka masira ang moment nila. Baka nga hindi nila napapansin na andito ako, nakatalikod sa kanila.

"Nagseselos ka?" Parang natatawang tanong ni Zerro.

"Hindi ah! Bakit naman ako magseselos?!"

"You just said it."

"Mali lang ang pagkakarinig mo! So, bakit nga hindi mo sinabi na kapatid mo pala si Santy? At saka anong meaning nung mga pinag-usapan niyo? Bakit parang may relasyon talaga kayo kung mag-usap?" Naguguluhan niyang tanong.

"Because I do really care for her, kapatid ko siya, e. At totoong naabanduna ko siya, simula noong nakilala kita." Ramdam ko ang pananahimik ni Avery.

"I didn't know you were there, nakikinig ka pala." Narinig ko ang muling pagtawa ni Zerro.

"Santy's mad at me dahil maaga ko siyang iniwan, maagang namatay si Daddy pero mas pinili kong magpakalayo-layo sa kanya, dahil ayoko siyang madamay sa problema ko. She was all alone for almost 4 years. And yes, ako nga 'yung hinahanap ng gobyerno, dahil pinag-experimentuhan ako ni Daddy. Actually, this epidemic matagal ng plano 'to ng gobyerno at kasangkot doon ang Daddy ko, binayaran siya para gawin 'yung drugs at ilagay sa vaccine na dapat ay normal lang. Noong una, natakot ang Daddy ko dahil malaking problema 'yun, kaya ang ginawa niya, pinag-ekspirementuhan niya ako, hindi para maging katulad nila. Kundi para hindi ako maging isa sa mga infected. Matagal ni Dad ginawa iyon, nakikita mo itong na sa leeg ko? Diyaan tinurok ni Daddy ang vaccine. Una pa lang ay alam na ni Daddy ang mangyayari, kaya balak niya na bago pa mangyari ang outbreak ay pinlano niyang kaming dalawa ng kapatid ko ang tuturukan niya ng anti-virus, pero ako lang ang naturukan niya."

"Unluckily, hindi nakasama ang kapatid ko dahil pinatay nila agad ang Daddy ko nang malaman nila ang ginawa niya sa akin. Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ako ng gobyerno para pag-experimentuhan, kaya naman wala akong masiyadong nilalabas na information sa sarili ko because that's my strategy para hindi nila ako mahanap. My name is Devoir Synovic, and Zerro is my middle name. Iyun ang ginamit ko dahil wala naman 'yun sa certificate ko, kaya talagang wala silang mahihita na information tungkol sa'kin. Kaya nga kung mapapansin mo, sa tuwing nagtatanong ka tungkol sa buhay ko, madalas ay wala akong sinasagot dahil pinananatili kong tago lahat ng impormasyon ko, si Santy alam niya dahil kapatid ko siya. Half siblings, to be exact. Magka-iba kasi kami ng mommy, buhay pa 'yung mommy niya, while both of my parents were gone." he sighed bago nagtuloy sa pagsasalita.

Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now