(27) Ariseo's son

1.1K 59 4
                                    

Someone's pov
Wednesday

US
12:13:52 pm

"Sir, I think we've already located him. Mukhang isa siya sa dalawang grupo na na-contact namin kaninang umaga." Mahinang giit ng isang matipunong lalaki sa kanilang lider na nakasuot ng mahabang lab coat at may lab goggles sa ulo, o kung tawagin man sila ay scientist. Pare-pareho silang na sa loob ng isang maliit na kwarto, animo'y nagtatago sa matataas na rango at iniiwasang may makarinig sa kanilang usapan.

“Siguraduhin ninyong madadala niyo sa akin ng buhay ang lalaking anak ni Ariseo. Siya lang at wala ng kasama pang iba. Siguraduhin niyo rin na hindi kayo mauunahan ng kahit sinumang walang kwentang militar o kung sinuman ang nagbabalak na kumuha sa kanya. Ang usap-usapan ay may nakatagpo na raw sa anak niya nitong mga nakaraang buwan at hindi malabong bumalik na muli ang taong iyun sa pilipinas upang tuluyan niya ng makuha ang anak ni Ariseo."

"Hindi tayo maaaring magpahuli, kaya't hangga't maaari, kung isa nga siya sa mga survivor na na-contact ninyo ay siguraduhin ninyong dadalhin niyo sila sa lugar kung saan malayo sa pinaplano ng mga militar hanapin lahat ng natitirang survivors. Dibale nang hayaan ninyong makuha ng mga militar ang mga kasama ng anak ni Ariseo, ang mahalaga ay siya lang ang madadala ninyo sa akin ng buhay, naiintindihan ninyo?"

Mahabang lintana nito, halata sa kanyang tindig at pananalita ang pagkadesidido at ang kasiguraduhan na sila ang magtatagumpay na makakuha kay Devoir Synovic at hindi ang ibang mga na sa matataas na rango.

"Yes, sir." Sagot ng mga ito bago sila isa-isang nagsilabasan sa kwarto upang maghanda na sa pag-alis at pagbalik sa pilipinas.

Nang lahat sila ay makalabas ay bumungad sa kanila ang mga sundalong nagmamadaling sumakay ng helicopter at ang iba ay dumako naman sa malaking barko.

Napangisi na lamang sa kawalan si Eos, ang hindi katandaan na scientist. Nagawa niya pang palihim na mapailing dahil hindi niya magawang tumawa sa kanyang sitwasyon, marami ang nakapaligid sa kanya at hindi niya alam kung sino roon kakampi at ang mga traydor, kaya naman nag-iingat na lang siya sa kanyang bawat kilos.

Gusto niyang humalakhak dahil ganoon na lamang ang pagkatuwa niya nang makita niya kung gaano kahayok ang lahat na pag-agawan ang nawawalang anak ni Ariseo, ang pinakamatalinong scientist na ngayon ay yumao na. Gustong-gusto nilang mahanap si Devoir Synovic dahil alam nilang ito lamang ang solusyon sa kanilang problema.

Solusyon hindi para matapos ang salot sa bansa ng pilipinas, kundi solusyon upang tuluyan ng makumpleto ang naiwang experimento na tatapos sa buong mundo. At tanging si Devoir lamang ang makakabuo niyon, ang kanyang buhay kapalit ng katapusan ng lahat.

Ngunit, lingid sa kanilang lahat na may isang misteryosong tao ang hahadlang sa kanilang plano. Kung lahat ng nasa taas ay pare-parehong masasama ang hangarin sa buong mundo, ang tao namang ito ay walang ibang ginusto kundi maibalil ang tunay na kapayapaan ng mundo at ang mga taong walang ibang inisip kundi kapahamakan ng buong sambayanan ay siyang maaalis sa mundo.

Dahil naniniwala ang taong iyon na kailanman ay hinding hindi mananaig ang kasamaan laban sa kabutihan.

Santy's pov

"Anong ginagawa mo rito, bakit hindi ka mag-pahinga?" Iyun ang bumungad na tanong sa akin ng kuya ni Yves na si Kiel nang mapansin niya ang presensya ko sa tabi niya.

"Hindi ko kayang magpahinga lang sa ganitong sitwasyon," sagot ko. Saglit niya naman akong nilingon.

"I'm sure you're not okay dahil sa nangyari sa kaibigan niyo, pero you need a rest." Sambit nito.

Lockdown Z [Survival Begins] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon