(16): Saved again

1.2K 83 14
                                    


2025 Metro Manila, Philippines
Thursday

Cassandra's POV
— 12:49:10 pm —

HI EVERYONE! I'm Cassandra Tiona. Cass for short. Sinadya naming iwan si Santy sa bahay dahil 'yon ang request ng gwapong si Devoir pero ang sabi niya saamin Zerro daw ang pangalan niya. Ah ewan! Ang mahalaga, gwapo siya. At dahil nga gwapo siya, pinagbigyan namin ang request niyang iwan nalang namin si Santy para may magbabantay sakanya. Hihi. I don't know kinikilig ako kaya pumayag nalang kami.





"Teka nga, do you even know where are we going?" Kunot noong tanong ni Tana habang naka-crossed arm pa. Hindi namin alam ang pupuntahan namin dahil ang madalas ay si Santy ang nagsasabi ng lugar at daan na tatahakin namin, but this time ay hindi namin alam dahil nga hindi namin siya kasama. I don't know what they're doing sa house, but I hope they're enjoying their time. Hahaha!





"Ewan ko. Wala rin naman kasi akong makitang mga grocery store dito." Sagot pa ni Rio na nagmamaneho.




"Hoy, teka! Huwag na tayong lumayo. Baka maligaw tayo, ano ba kayo!" Saad ko dahil hindi naman namin sigurado at kabisado ang mga lugar dito. Only Santy knows.




"Eh, ano? Ang sinabi nating dahilan ay tayo na ang hahanap ng pagkain natin. Bakit kasi pumayag ka pa don sa request nung Zerro? Porke crush mo, walang tanggi tanggi. Tayo tuloy ang maiipit. Nakngtokwa!" Si Rex. Napanguso naman ako dahil wala na talaga kaming choice kung hindi ang lumayo at maghanap ng makukuhanan namin ng pangangailangan.






"Okay, fine. Let's go somewhere. Tandaan nalang natin yung mga daan." Napapahiyang sambit ko dahil talagang malalagot kami kay Santy once na wala kaming maiuwi.





"Bakit kasi nagmamagaling ka eh." Rinig kong saad ni Tana at talagang umikot pa ang mata.



She's too immature kaya hindi ako nagsasayang ng oras na patulan ang pagiging attitude niya. Well actually, hindi naman namin talaga kilala ang isa't isa. I only know Santy dahil schoolmates kami, she saved me noong nastuck ako sa loob ng comfort room ng school namin. While Rex and Rio naman ay magkasama na noon pa, we found them na nakikipaghabulan sa mga Zombies.





Nawirduhan pa nga ako sakanila no'n dahil tuwang tuwa pa sila na nagtatakbuhan. Ito namang si Tana ay nakita lang din namin as a survivor. Alone. Matapang siya, maarte nga lang. Marami kami noon, pero.. wala na yung iba dahil naging isa na din sila sa mga infected.







It's been a couple of weeks since a bunch of Zombies invades the human race. No one knows the cause of this having Zombies roaming the whole Philippines. And I can't tell if we can survive dahil kung ako ang tatanungin. There's only 10 percent of chance na makaligtas kami sa mundong ito or maybe wala na nga yata talaga kaming takas.





Because we are now sorrounded by them, we are living with a living dead. And we can't escape just by fighting them gamit itong mga baril namin na may limit din ang bullets. Mas marami sila kaysa saamin. We can't defeat them on the only way we know kung paano naman sila ngayon nilalabanan, but we can escape If there's a way.. pero hindi ko alam kung meron pa nga bang paraan.







"Patay.." nabalik ako sa katauhan nang marinig ko ang boses ni Rio. Pareho-pareho kaming napalingon sa tinitignan niya at ganoon nalang ang pagkunot ng noo ko nang makita namin ang sangkatutak na mga sasakyan ang nakatumba at nakaharang sa daraanan ng mga sasakyan namin.






Lockdown Z [Survival Begins] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon