(33): Traitor

925 54 2
                                    

2025 Metro Manila, Philippines
Thursday

Avery's POV
7:02:19 pm

Inabot na kami ng gabi at narito pa rin kami sa daan, bumabyahe. Kanya kanya kami ng puwesto at pinagsasaluhan ang kakarampot na pagkaing naitabi nila Riki at Yakov noong nanggaling sila sa mall.

"Kumain ka pa," iniabot sa akin ni Zerro ang isang crackers. Kinunutan ko siya ng noo bago ko inangat ang pagkaing kinakain ko.

"Meron na ako, kumain ka rin. Huwag mong binibigay kung kani-kanino." Naniningkit ang matang sambit ko sa kanya. Mga biscuit lang ang nakuha nila Riki na pagkain kasama ng ilang tubig na pinaghati-hatian lang din namin. Ang iba ay share na lang dahil hindi umabot sa bilang namin ang dami nito.

"Hindi ako gutom, kainin mo na 'yan." Sagot niya pa.

"Ayaw mo? Edi sige, ibibigay ko na lang kay Kiel, tutal wala naman siyang kinakain." Sambit ko, dahil nga kakaonti lang ang pagkaing nakuha ay ang iba, walang kinakain at tubig lang ang iniinom.

"Huwag na, gutom pala ako," bigla ay binawi nito ang biscuit na kanina niya pa pilit na binibigay sa akin. Nginiwian ko naman siya nang simulan nitong lantakan iyon.

Tss, kita mo. Baliw talaga.

"Kumusta ang sugat mo? Masakit pa ba?" Lumipat sa noo niya ang tingin ko. Malinis na iyon dahil may nakatapal na doong bandage na square.

"Hmm, ayos na. Hindi ko na ramdam ang sakit," sagot niya saka niya 'yun hinawakan, dahilan para mahampas ko ang kamay niya.

"Masakit!" Reklamo niya.

"Huwag mo kasing hawakan," suway ko, sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Huwag mo ngang alalahanin ang nag-iisang sugat ko, tignan mo ang sarili mo, mukha kang pasyente sa sobrang daming nakatapal sa'yo," sambit niya bago tignan ang mga sugat ko. Napanguso naman ako dahil marami-rami nga iyon. Sa braso, noong nasugatan ko. Sa tuhod, siko at kamay ang may mga nakabalot na bandages. Nakuha ko ang mga galos na iyon nung pagulong akong tumalsik sa lupa dahil sa pagsabog na naganap.

Speaking of pagsabog, muling sumagi sa isip ko ang nangyari na 'yon, kaya naman bahagya akong napaharap kay Zerro na may pagtatakha.

"Alam mo, naisip ko lang . ."

"Huwag ka ng mag-isip, wala ka no'n." Agad nangunot ang noo ko sa sinabi nito, dahilan para masuntok ko ang braso niya. Natatawa naman siyang hinuli ang kamay ko.

"Seryoso kasi," sinamaan ko siya ng tingin.

"Kanina kasi, 'yung na-encounter namin. Sobrang weird talaga," seryosong sambit ko. Hindi naman ako nakarinig ng sagot sa kanya, kaya nilingon ko siya.

"Weird nga," pag sang-ayon niya.

"Nakita ko 'yung paghagis niya ng bomba sa direksyon niyo, pati na rin 'yung hawak niyang chainsaw. 'Yun ang pinagtataka ko, paano niya lahat nagagawa 'yon?" Naguguluhan niyang tanong.

"Pero alam mo kung anong mas weird?" Tanong niya sa akin, hindi naman ako sumagot at tinignan lang siya nang nagtatanong na tingin.

"Yung ginawa mo." Napahinto ako sa pagkain.

"Ang weird," suminghap siya ng hangin.

Lockdown Z [Survival Begins] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon