(23): Formula

1.1K 66 16
                                    






2025 Metro Manila, Philippines

Avery's POV
- 6:10:59 pm -

ALAM ko, alam ko kanina pang nasa tabi ko si Zerro noong nakahiga ako sa kwarto. Rinig na rinig ko lahat ng sinabi niya. Nang marinig kong sinambit ni Kiel ang pangalan ni Zerro kanina ay para akong nabuhayan ng loob at gusto kong imulat ang mga mata ko at tumayo mula sa pagkakahiga para makita siya. Pero hindi kinaya ng katawan ko dahil ramdam na ramdam ko ang bigat at init ng pakiramdam ko. At mas lalo pa 'yung bumigat dahil sa kagustuhan kong umiyak pero hindi ko magawa dahil pinipigilan ko.




Noon ko pa ring gustong dumilat para makausap siya at hindi siya magmukhang tanga na kinakausap ako ng nakapikit. Pero mas pinili ko na lang ang magpahinga at makinig sa mga sinasabi niya hanggang sa tuluyan akong makatulog. Ginusto kong matulog at magpahinga para mabawi ko agad ang lakas ko dahil gusto ko na kapag hinarap ko siya ay maayos na ako at malakas na ulit.





Gumising ako kanina nang wala na siya sa tabi ko kaya naman kinabahan ako, na baka nanaginip lang ako at hindi totoong nandito na nga talaga siya. Dahil na rin sa sobrang desperada ko nang makita siya. Mabilis ko lang na kinain ang lugaw na nasa tabi ko atsaka ko ininom ang tubig at gamot na katabi nito. Pagkatapos non ay saglit akong tumayo sa kama para pakiramdam ang sarili, kung nahihilo pa ba ako, nang maramdaman kong ayos naman ang pakiramdam ko ay nagtuloy ako sa paglabas ng kwarto.





Nang makalabas ako ay huminto pa muna ako sa tapat ng hagdan nang marinig ko ang mga boses nila. Pinili kong manatili na lang muna sa hagdan at makinig sa usapan nila. Nalaman ko na tungkol sa vaccine ang pinag-uusapan nila. Ang lahat ng sinabi ni Kiel ay narinig ko na kahapon at talagang pinag-isipan ko rin yun, at ngayong narinig ko na kung ano ang drugs na iyun ay parang lumiwanag sa akin ang lahat.





"Ano nga uli iyung sinabi mo kanina, Avery? Nakakagulat ka naman kasi bigla ka nalang sumusulpot. Ang seryoso ng usapan namin tapos manggugulat ka." Bahagya akong natawa nang sabihin 'yun ni Yves.





Lalo pa akong napangiti nang alalayan ako ni Zerro na maupo sa tabi niya. Para naman akong kiniliti at parang mayroong mga nagsisiliparan na paru-paro sa tiyan ko nang dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam noon, siguro ay namiss ko lang ang ganoong trato niya sa akin.





"Dito ka lang sa tabi ko para alam ko kung may masakit sayo." Sambit niya dahilan para matawa na ako nang dahil sa sobrang tuwa.






"Ang oa mo, ayos naman na ako." Natatawang saad ko pa.






"Shh. Makinig ka sakin." Pagpapatahimik niya sa akin, pero imbis na mainis ako tulad ng nakagawian kong reaksyon sa tuwing ginagawa niya 'yun, ngayon naman ay natutuwa ako dahil matagal ko ring hinanap ang ganitong pakikitungo niya sa akin na kahit minsan ay nakakainis.





"About sa Flakka drugs na sinabi ni Kiel. He's right. Hindi lang 'yun simpleng drugs na magpapawala sa katinuan ng tao. It's like there's also a side effect na pagiging baliw sa pagkain ng mga tao sa raw meat, which is it can lead them for being a psychotic. Sa tingin ko ay pinag-eksperimentuhan nila 'yung drugs at parang may mga formula silang inilagay para makompleto yung experiment nila." Pag-uulit ko sa sinabi ko kanina.




Naalala ko kasi iyung tungkol sa isang scientist na may pinag-eksperimentuhang Tao kaya naisip ko, baka may iba pang pinag-eksperimentuhan 'yung scientists kaya nag-lead sa ganoon 'yung effect ng injection.


Lockdown Z [Survival Begins] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon