(7): New Survivor

1.6K 134 16
                                    

dedicated to: JiaNationS






𝚁𝚘𝚖 𝟹𝟷𝟶 𝚊𝚝 𝙻𝚞𝚖𝚒𝚎𝚛𝚎 𝚁𝚎𝚜𝚒𝚍𝚎𝚗𝚌𝚎, 𝙿𝚊𝚜𝚒𝚐, 𝙼𝚎𝚝𝚛𝚘 𝙼𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊 (𝚂𝚊𝚝𝚞𝚛𝚍𝚊𝚢) 𝟿:𝟻𝟿 𝚊𝚖

Avery's POV

— 𝟿:𝟻𝟿:𝟺𝟸 𝚊𝚖 —


"Anong ginagawa ninyo at gumagala kayo ng ganitong oras sa hallway? Hindi niyo ba alam na delikado ang ginawa ninyo?" Pareho kaming napatigin ni Zerro sa babaeng nagsalita na sa tingin ko siya ang nanay ng dalawang dalaga at binata na nakatayo ngayon sa harapan namin habang may hawak na mga armas.




"W-we're trying to get out and escape from them. Hindi na po safe sa unit namin at mapapahamak kami kung mananatili pa rin kami doon. We planned na makaalis sa building na 'to at pumunta sa police station dahil sa palagay ko, secured ang lugar nila at pwede nila kaming matulungan na maka-survive." Pagpapaliwanag ni Zerro kaya naman napatango-tango ang babae.




"Naiintindihan ko, ganoon din ang plano sana namin, ngunit mamaya pang gabi namin balak gawin iyon kapag madilim na. Teka saang floor ba kayo galing? May iba pa ba kayong kasama?" Tanong nito.





"Galing po kami ng 6th floor, we're roommate at wala na kaming ibang kasama." Tugon naman ni Zerro habang ako ay saglit na sinulyapan ang babae sa harap ko na maangas kung tumayo, maputi siya at maikli ang buhok. May kaonti rin siyang tattoo sa kamay at ngumunguya siya ng bubble gum na nakapag-padagdag ng angas sa tindig niya. Habang ang isang lalaki naman ay mukhang mahinhin, inosente ang mukha, maputi rin siya at malinis ang katawan, walang kahit na anong tattoo hindi katulad ng sa babae.




"Bakit ba naisipan ninyo na ngayong umaga kumilos? Masiyadong delikado, buti nalang talaga at napadaan kayo dito sa floor namin." Nag-aalalang sambit ng babae, tumingin naman saakin si Zerro at parang sinasabi na ako ang sumagot sa tanong ng babae.




"Ah, ang pagkakaalam ko po kasi ay isa sa mga weakness nila ang light, hindi nila kayang iexpose ang sarili nila sa liwanag dahil nasisilaw at nabubulag sila. Hindi tulad sa gabi ay doon sila lumalabas at mas nagiging aggressive, kaya sa tingin ko ay mas delikado kung gabi kami lalabas." Pagpapaliwanag ko, napatango naman ito.





"Tama ka naman, ija. Pero hindi lahat sila ay takot sa liwanag. Mga Iba't-ibang kaso ang mga uri nila. Professor ako noon kaya may kaonti akong kaalaman tungkol sakanila. Ang totoo niyan, wala talagang oras na ligtas hangga't nabubuhay sila. Umaga man o gabi ay parehong delikado ang mga buhay natin. Huwag kayong makakapante kung wala sila sa paligid ninyo dahil lang sa liwanag, dahil mas delikado 'yon, hindi niyo alam kung saan sila nagtatago at hindi niyo sila makikita dahil mahilig silang magtago sa dilim."





"Ganoon din kapag gabi. Ang pagkakaiba lang, sa umaga ay malalaman at makikita mo kapag susugurin ka nila. Pero hindi sa gabi, dahil agresibo sila." Saad nito.





"Oo nga pala, ako si Ana. Ito namang dalawa ay anak ko, siya si Kiel, isa siyang nursing student. At ito naman si Yves, hindi siya nag-aaral, walang patutunguhan sa buhay 'yan." Biglang biro nito at natatawang sinulyapan ang mga anak niya ngunit inirapan lang siya ng babaeng anak niya.





Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now