(18): December

1.2K 81 15
                                    

Metro Manila, Philippines
December 1, 2025

Avery's POV
— 3:06:39: pm —

HINDI KAILANMAN sumagi sa isipan ko na aabot sa ganito kagulo na mundo ang masasaksihan ko bago pa man ako mabawian ng buhay pero hindi pa ako patay ah? Pakiramdam ko lang patay na ako. Dahil bawat umaga at gabing lumilipas ay parang bago pa rin ng bago saakin ang lahat. Ang takot at pangamba na nararamdaman ko ay hindi nagbabago, nababawasan pero hindi kailanman nawawala.

Isang buntong hininga ang aking pinakawalan bago tumayo sa aking kinauupuan. Ramdam na ramdam ko ang pagod ng aking katawan kahit wala pa man akong nagagawa ngayong araw.

"Hoy, ano ka ba? Puro ka inom ng tubig diyan, hindi ka manlang kumakain." Narinig ko ang tinig ni Yves mula sa aking likuran kaya naman nilingon ko siya. Bumungad saakin ang nakataas na gilid ng labi niya at saka siya nag-iiiling.

Napansin ko rin ang humaba niya ng buhok at ang paglaki ng katawan niya. Paano ay ilang buwan na ang lumipas simula noong mahiwalay kami kay Zerro, kaya naman bago kami sumabak sa laban ay naglalaan muna kami ng oras o araw para mag-ehersisyo. Ilang buwan na rin naming hinahanap si Zerro pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita sakanya.

Nalaman ko rin na natagpuan ni Yves 'yung walkie talkie ni Zerro sa kotse noong araw na umalis siya para daw hanapin ito, pero imbis na si Zerro ang makita niya ay ibang mga tao, mga survivor din. Hindi niya na nga lang daw sinama dahil may iba pang mga kasama ito.

Gusto ko sanang alamin kung sino ang mga iyon ngunit hindi na nagsalita si Yves tungkol sakanila dahil naiinis daw siya sa tuwing naiisip niya iyung babaeng maarte na iniligtas na nga raw, eh, mas attitude pa sakanya.

"Paano natin mahahanap si Zerro niyan, kung ginagawa mo siyang dahilan para manghina ka?" Muli akong napalingon sakanya nang sabihin niya iyon.

"Napapansin ko nitong mga nakaraan, ang tamlay tamlay mo. Minsan pa, parang wala ka sa sarili. Kinakabahan tuloy si Kuya sa tuwing nahihiwalay ka sakanya kapag umaalis tayo, pakiramdam niya daw uuwi kami nang hindi ka kasama dahil parang wala ka sa sarili at makagat ka nalang basta nang hindi namin nalalaman." Tatawa-tawang kwento niya, napakamot naman ako sa ulo ko dahil hindi ko naman itatanggi na totoo iyong sinasabi nila.

Napansin ko rin na parang wala ako sa wisyo nitong mga nakaraang araw dahil ang daming isipin ang sumasagi sa isipan ko tungkol kay Zerro. Habang tumatagal ay palala ng palala ang pag-aalala ko, pakiramdam ko madedepress na ako kapag hindi pa namin siya nahanap.

"Ang sabi ko naman kay Kuya, e hayaan ka na niya dahil kahit naman wala ka sa sarili mo, hindi ka sasablay sa pagtarak ng palakol sa mga ulo ng mababahong nilalang na 'yon sa tuwing nakikita mo sila dahil sa galit mo. Baka nga kako malayo palang sayo hindi na agad makatayo eh. Hahaha!"

Natatawa pang sabi nito kaya naman naalala ko ang sarili ko na lumalaban sa kumpol-kumpol na mga Zombies na nakasalubong namin noong nakaraang linggo nang pumasok kami sa isang subdivision, nagbabakasakali na mahanap namin roon si Zerro.

Pero sa bawat minutong kahit anino niya ay hindi ko manlang nakikita, dumadaloy ang inis at galit ko sa katawan dahil naiisip kong baka kinain na siya at naging isa na sa mga tulad nila. At kapag nangyari nga iyon ay malamang hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sakanila.

"Oh, heto nga pala. Puro pagkain 'yan ni whitey, nakakahiya naman sa maarteng pusa na 'yon. Bukod sa puro pagtulog at pagkain na nga lang ginagawa, ang hilig pang manira ng mga gamit dito, aba nginangawaan pa ako. Hanep talaga sa pacute 'yang pusa mo." Naiiling na sambit niya habang inilalapag ang dalawang maliit na kahon sa lamesa ng sala. Natawa naman ako dahil andami niya pang sinasabi pero kung alagaan niya naman si whitey ay parang mas mahalaga pa ang buhay nito kaysa sa buhay niya.

Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now