(38): Downcast

864 53 2
                                    

2025 Cavite, Philippines
December

Avery's POV
4:18:49 pm

Kanina pa kami nag-uusap ni Cass at kanina niya pa rin ako inaasar. Aaminin kong mas gumagaan ang pakiramdam ko sa kanya at mas nakilala ko siya lalo. Sa maikling oras ay nagkaroon ako ng peace of mind, hindi ko na muna inisip kung anong mga susunod na mangyayari sa amin.

Bumalik din ako kanina sa kuwarto para matulog at mabawi ang lakas ko. Nakapagpahinga naman ako ng dalawang oras kaya gumaan gaan na din ang pakiramdam ko. Matapos kong magpahinga ay lumabas ako ng kuwarto at naabutan ko doon si Cass na natutulog sa sofa.

Bakit diyaan sa natulog at hindi sa kuwarto nila ni Santy?

Doon ko lang napansin na hindi ko pa nakikita si Zerro simula nung pumasok siya sa kuwarto para dalhan si Santy ng pagkain. Hindi pa rin ba siya lumalabas? Gusto ko sanang tanungin si Cass pero mahimbing ang tulog niya kaya hindi ko na ginising pa.

Naglakad na lang ako patungo sa tapat ng kuwarto nila at itinapat ang tenga sa pinto.

Nakatulog na rin kaya 'yun si Zerro dito?

Nang ilapat ko ang tenga ko sa pinto ay pinakinggan ko kung may nag-uusap, pero wala naman akong naririnig na kahit anong ingay. Hindi kaya tulog sila?

"Lumabas sila."

"Ay anak ng tulog!" Gulat akong napalingon sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Cass. Nginitian naman ako nito.

"Gising ka na pala," nahihiyang saad ko.

"Naalimpungatan ako, e. Anyway, lumabas sila Santy kanina, nagpaalam sila sa'kin. Hinihintay ko nga sila kanina pa, pero nakatulog na ako't lahat, wala pa rin sila." Napapakamot sa ulong sambit nito.

"Saan naman sila pumunta?" Takhang tanong ko.

Umalis silang dalawa? Ano namang gagawin nila? Lumabas ba sila dito mismo sa apartment?

"Na sa rooftop sila, hindi ko alam kung bakit ang tagal nila." She shrugged her shoulders bago maupo uli sa sofa.

"Puntahan mo na." Napalingon ako sa kanya.

"Ha?"

"Halatang nag-aalala ka kaya puntahan mo na sila. Na sa rooftop lang naman sila." Pagturo niya pa sa kisame, kung saan ang taas nito ay siyang rooftop na. Nagpakawala naman muna ako ng hininga.

"Sige, sisilipin ko lang sila." Nakangiting sambit ko, tinanguan niya naman ako kaya dumiretso na ako sa pintuan at lumabas. Nang makalabas naman ako ng kuwarto ay hindi ko na minasid pa ang paligid dahil alam ko namang walang mga infected dito, kaya naman dumiretso na akong umakyat sa hagdan patungong rooftop.

Ilang segundo lang ang tinagal nang nilakad ko ay narating ko na agad ito. Pinihit ko naman ang doorknob at dahan-dahang binuksan ito, ngunit hindi ko pa man nakakalahati ang pag-bukas nang pinto ay naririnig ko na ang iyak at sigaw ni Santy.

Nagkasalubong ang dalawang kilay ko. Anong nangyari? Bakit umiiyak si Santy? Sa kyuryusidad na malaman kung ano ang pinag-uusapan nila ay napag-desisyunan kong huwag nang buksan pa nang tuluyan ang pinto at makinig na lang sa usapan nila. Nanatili akong nakatayo roon at mas nag-lean pa para marinig ang usapan nila.

Lockdown Z [Survival Begins] Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu