(11): Where are you?

1.3K 95 0
                                    

Metro Manila, Philippines
Wednesday (8:56 pm)

UMUSBONG ang takot at kaba sa bawat isa nang tuluyang makalabas ang kanilang sasakyan sa bodega. Inaakalang makaliligtas na sila mula sa mga humahabol sakanila ngunit nagkakamali sila.

Halos lumuwa na ang kanilang mga mata sa panlalaki nang masaksihan nila sa gabing iyon kung paanong parang naging malakas na alon ang humampas sakanilang sasakyan gawa ng mga Zombies na nagawang talunin ang malalaking balde na humarang sa daan palabas ng bodega kung saan sila naroroon kanina.

Hindi nakaligtas ang kanilang sinasakyan na kahit gaano pa man kabilis at katulin ang takbo nito ay nagawa pa ring matalunan at madaganan ng ibang mga maliliksing nilalang na para bang gutom na gutom ang mga ito nang makita't maamoy nila ang kanilang mga puntirya.

"Putangina!!" Hindi napigilan ni Yves ang sariling mapamura at mapahawak nang mahigpit sa manibela ng sasakyan nang tuluyan ng hindi makaabante ang kanilang sinasakyan dahil sa bigat ng mga nakadagan dito.

"Shit shit shit!!" Parehong mura ni Kiel at ang ina nitong si Ana nang malapit nang mabasag ang salamin ng kanilang mga katabing bintana dahil sa mga Zombies na sinusubukang basagin ang harang sa kanilang pagitan. Habang si Avery naman ay hindi na napigilang maluha dahil sa kawalan ng pag-asa nang makita niyang unti-onti ay mababasag na ang glass window ng sasakyan kung saan siya naroon nakapuwesto.

"Isa lang ang pwede nating gawin."

"Lumabas dito at tumakbo." Hindi na magkanda-ugagang suhestiyon ng binatang lalaki na si Kiel.

"Bobo ka ba?! Sa tingin mo sa oras na makalabas ka dito ay hindi ka pagpipiyestahan ng nga putanginang yan?!" Malakas na hiyaw ni Yves nang magsimula ng gumewang gewang ang kotse nila.

"WAAAAAAAAAHH!!" Sabay sabay nilang sigaw nang maramdaman nilang tuluyan nang matumba at tumagilid ang sasakyan nila nang dahil sa liliksi at agresibo ng ilang mga Zombies na nakadagan dito.

Halos manlaki ang mga mata nilang lahat nang parehong may nakapasok na zombie sa parehong mga katabi nilang bintana. Walang nagawa ang apat kundi ang buong lakas na paghahampasin, sipain. Malabanan at mapigilan lang nila ang mga ito gamit ang sari-sarili nilang proteksyon.

Asan kana ba, Zerro.

Sa gitna ng hamon ng buhay ng apat ay hindi nawala sa isip ni Avery si Zerro, kahit pa nasa pahamak na ang buhay nito ay inaalala niya pa rin ang kalagayan ng lalaki, umaasang ligtas ito at darating upang tulungan sila mula sa kamatayan na kanilang kinahaharap sa gabing iyon.

Lahat sila ay nakaramdam ng pangamba at takot sa oras na iyon, pare-parehong nawalan na ng pag-asa. Ang buong akala nila ay katapusan na ng lahat, ngunit bigla ay tumigil ang oras nang mula sa kawalan ay namuo ang isang malakas na tunog na parang isang napakalaking trompeta ang ginamit sa sobrang lakas ng tunog na dumagundong sa buong syudad, dahilan para pare-parehong mapatakip ng tainga at mapapikit ang lahat, maliban kay Avery.

Takhang iginala ni Avery ang paningin niya sa mga kasama dahil sa inaakto ng mga ito, dahil bukod sa kabilang lahat ay si Avery lamang ang hindi nakaririnig ng nakakabinging malakas na tunog na iyun. Kaya naman habang nakapikit at wala sa kanya ang atensyon ng mga ito ay kinuha ni Avery na pagkakataon iyun upang kumilos.

Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao at sa ilang segundong lumipas ay ginamit iyun ni Avery upang gamitin ang lakas niya na alam niyang sa pagkakataong iyun ay magagamit niya sa tama.

Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now