(25): Military Response

1.2K 77 26
                                    


2025 Metro Manila, Philippines

Yves's POV
[ 10: 21:35 am ]

KINABUKASAN, tanghali na akong nagising at kingina! Napaka-sakit ng ulit ko. Ramdam na ramdam ko ang pagkirot ng sintido ko kaya naman agad akong bumangon sa pagkakahiga.


Nilingon ko pa ang katabi ko at wala na roon si Avery. Tss, malamang gising na 'yun. Andito na si Zerro eh. Kinuha ko na ang tuwalya kong nakasabit at agad na naglakad palabas ng kwarto para bumaba sa kusina. Tangina, ang sakit na nga ng ulo ko, kumakalam pa ang sikmura ko. Ang pangit ng gising ko, kasing pangit ni Whitey-



Teka..


"Meow~"



"Hoy!" Turo ko sa itim na pusa na ngayon ay kinkiskis ang katawan sa binti ko. Anak ng tokwa!


"Huwag ngayon, Whitey. Masakit ang ulo ko." Pakikipag-usap ko dito pero sinundan niya pa rin ako kaya naman binuhat ko na siya.


"Hoy, ikaw. Huwag mo na nga akong sinusundan. Lalo lang akong nabubwisit sa tuwing nakikita kita. Naaalala ko 'yung mga katarantaduhan ng mga amo mo. Kaya huwag ka ng lalapit sa akin magmula ngayon kung ayaw mong gawin kitang siopao, naintindihan mo?!" Badtrip na saad ko dito atsaka na siya binaba sa sahig.


Nang makababa ako sa sala ay bumungad sa akin ang mga taong hindi ko alam na hanggang ngayon ay nandito pa rin. Tss. Titigas ng mukha, lalo na 'yung babaeng nilunod sa gluta sa sobrang puti. Letse ang sarap kalmutin para masira 'yung balat e.

"Oh, gising ka na pala. Kumain ka na." Si Mama na kakagaling lang sa kusina. Habang si Avery at Zerro ay nasa sofa kumakain. Si Kuya naman ay inaayos 'yung mga armas kasama si Rio at Cass. Si Santy naman ay kumakain rin sa kabila ng sofa. Napapataas pa ang kilay ko nang mapansin kong sumusulyap siya kila Avery. Habang kasama naman ni Rex 'yung damuhong babae na si Tana sa labas ng bahay at mukhang may kinakalikot.



Mukhang tumila na rin ang ulan at sumikat na ang araw. Kaya makakalabas na ako. Dumiretso na ako sa kusina at nagsimulang kumain ng inihanda ni Mama na pagkain.


"HELLO?! Tulungan niyo po kami!" Agad nagkasalubong ang dalawang kilay ko nang marinig ko ang malakas at matinis na boses ni Tana. At mukhang hindi lang ako ang nakarinig dahil pati na rin ang iba ay napatingin sa direksyon nila.




"Hello! Omg-" Napatayo na ako sa kinauupuan ko at napatigil sa pagkain nang ako na mismo ang makarinig na malakas na ugong ng radyo na hawak nila. Pare-pareho kaming napalapit sa pwesto nila kaya naman nang makalapit na rin ako ay agad kong inagaw ang radyo sa kamay ni Rex.


"*Ksssskk* This is eme- *ssssk* military response! *skkkss* is this a survivor- *kssskss*"



"Shit." Pare-pareho kaming nagkatinginan isa-isa at nanlalaki ang mga mata nang malinaw naming marinig ang sinabi ng na sa kabilang linya.



Tangina. Hindi 'to panaginip, diba?!


"H-hello? Yes, we're a survivor! Please help us! Please!" Si Rex na hinawakan ang kamay ko para mailapit sa bibig niya ang radyo na hawak ko.




"Please state your name or how we can address you, your location, and so as the number of individuals you are accompanying. Over!" Agad kong nilingon ang mga kasama ko na ngayon ay binubilang na ang mga sarili.

"Sampu! Sampu tayo!" Sambit naman nung Cass.

"Saan 'to?!"




"Hindi namin alam-"

Lockdown Z [Survival Begins] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon