(24): I'm Sorry

1.1K 62 27
                                    




Year 2025, Metro Manila, Philippines

Santy's POV

[ 12:18:16 am ]

Nang makalabas ako nang kwarto ay doon bumungad sa akin si Devoir na kakalabas lang ng kwarto nina Avery dahil inihatid niya ito kanina.





"Hindi ka pa matutulog?" Agad na tanong nito nang makita akong lumabas ng kwarto namin. Bahagya akong bumuntong hininga.





"Mag-usap tayo." Hindi ko alam, pero iyun ang unang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya pero gusto ko siyang makausap. May parte sa akin na may gusto akong liwanagin sa kanya pero nag da-dalawang isip ako kung dapat ba naming pag-usapan ang tungkol roon.





"Hmm, sige. Pero kukuhanin ko muna 'yung gamot kay Kiel para makainom na si Avery bago siya matulog." Saad nito. Wala naman akong nagawa kundi tumango na lang at ngumiti ng bahagya. Nang makaalis na siya sa harap ko ay kusa na akong dinala ng mga paa ko patungo sa veranda nitong second floor.



Ramdam na ramdam ko ang malamig na ihip ng hangin at ang paonti-onting patak na lang ng ulan nang makatapak ako dito. Agad kong niyakap ang sarili ko dahil sa panlalamig. At pakiramdam ko ramdam na ramdam ko rin ang pag-iisa ko. Pag-iisa? Tss. Nagiging selfish na naman ako.





Ilang minuto pa akong nakatayo lang roon at pinagmamasdan ang magulong paligid. Naramdaman ko na lang na bumukas ang pinto ng veranda at ang pagpasok ng isang tao.





"Kumusta siya?" Agad na bungad na tanong ko kahit hindi ko pa ito hinaharap. Alam ko namang si Devoir ang taong nasa likuran ko.






"Maayos na siya, kailangan niya na lang ng kaonti pang pahinga para bumalik ang lakas niya." Tugon niya at tumabi sa akin.







"Ano pa lang pag-uusapan natin?" Tanong niya.






“Yung tungkol kanina..” pag-uumpisa ko, naramdaman ko naman na tumingin siya sa akin.






“Hindi ko alam na may iba pa lang nakakaalam tungkol roon.” Dagdag ko. Alam kong alam niya ang tinutukoy ko dahil narinig ko ang mahina niyang pag-buntong hininga.






“Hindi naman siguro nila malalaman na ako 'yun.” Sagot niya dahilan para ako naman ang mapalingon sa kanya.






“Anong plano mo?” Tanong ko nang makita kong bakas pa rin sakanya ang pagkabalisa.






“Hindi natin alam kung talagang mapagkakatiwalaan sila. Lalo na kapag nalaman nilang ikaw ang 'taong' 'yun.” Dagdag ko.






“Wala naman siguro silang gagawin kung malalaman man nila. Isa pa, hindi ko na rin pwedeng itago pa 'to ng matagal, Santy. Alam mong mahina ang katawan ko, noon pa. Hindi sanay ang katawan ko sa ganito. Kahit ito na lang ang sumusuporta sa katawan ko, ito pa rin ang nagiging dahilan kung bakit nanghihina ako.” Sambit niya dahilan para manlumo ako.





Aaminin kong nag-aalala na ako sa kalagayan niya. Dahil talagang noon pa lang ay mahina na ang katawan niya at hindi siya pwedeng turukan ng kung anu-anong gamot sa katawan dahil masiyadong sensitibo ang dugo niya. At kapag lalo pang nagtagal 'yun sa katawan niya ay baka dumating sa punto na hindi na kayanin pa ng katawan niya at bumigay na lang siya. At 'yun ang ikinatatakot ko sa lahat.





Oo. Siya nga ang taong 'yun. Ang taong pinag-eksperimentuhan para hindi maging isa sa mga halimaw na sumasakop ngayon sa bansa ng pilipinas. Kaya ganoon na lang din ang kagustuhan naming makaalis sa bansa na ito dahil kinailangan nang mailipat ang gamot na nasa dugo niya sa isa pang tao. Maswerte ang taong malilipatan ng gamot na nasa dugo niya dahil kahit infected na ang taong 'yun o ma-iinfect pa lang ay malaki ang tsansa na maligtas siya at bumalik muli ang katauhan niya bilang tao at hindi na kailanman magiging isa sa pa kanila.







Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now