(15): A day with you

1.3K 73 41
                                    



2025 Metro Manila, Philippines
Thursday

Santy's POV
— 11:04:46 am —

NAGISING ako sa isang maingay na kalabog mula sa labas ng kwarto kaya naman mabilis akong napabangon mula sa pagkakahiga sa kama. Nilingon ko pa ang katabi ko at hindi ko na doon naabutan si Cass. I slept beside her at hindi sa tabi ni Devoir. Hindi magandang tignan kung matutulog kaming pareho sa iisang kama.




Napahawak pa ako sa ulo ko nang sumakit ito. It's already afternoon at hindi ako sanay magising ng ganitong oras, napuyat ako kagabi kakabantay kay Devoir kaya naman anong oras na din ako nakatulog. Uminom pa muna ako ng tubig bago tuluyang tumayo sa higaan at maglakad patungong pinto.





"Ano ba! I'm the one who took this kaya give it to me! Magluto ka nalang ng pagkain mo!" Tanghaling tapat ay rinig na rinig ko na ang matinis na boses ni Tana. Gosh, ano namang pinag-aawayan nila at ang lalakas ng loob nilang magsigawan knowing na maraming Zombies ang nasa paligid namin?!






"Anong ikaw?! Baka kami ni Rio ang kumuha nito?" Sagot naman ni Rex. Napahimas nalang ako sa sintido ko nang hindi talaga sila tumitigil sa pagsisigawan.




Kaya naman binuksan ko na ang pinto at kunot noo silang sinalubong, pare-pareho silang napalingon sa direksyon ko ngunit si Devoir agad ang nahagip ng mga mata ko. He's standing in front of me, halatang kakatapos niya lang maligo dahil basa ang buhok niya. Agad akong napalunok at mabilis na iniiwas ang paningin sakanya.







"Ano bang ginagawa niyo? Can't you tone down your voice?!" Baling ko kay Tana at Rex na parehong hawak ang isang container ng blueberry donuts.






"Eto kasi eh! Pinagsasapilitan na siya ang kumuha nito, eh kami nga ni Rio ang nakakita nito!" Sabat pa ni Rex at muling hinila ang container.






"Ako naman talaga ang kumuha nito ah!" Tana.






"Kami ang nakakita at inutos ko lang sayo na kunin mo, and that doesn't mean na sayo na 'to!" Rex.






Napahilamos nalang ako sa mukha ko dahil sa inis. "Sige, magsigawan pa kayo. At kapag 'yang mga 'yan! Umabot dito. Kayo ang una kong ipapakain!" Singhal ko sakanila habang nakaturo sa may screen ng pinto kung saan kitang kita ang labas ng bahay. Mabilis akong pumasok uli sa kwarto at padabog na isinara ang pintuan.





"Omaygosh!" Rinig ko pang sambit ni Tana nang makita nila ang tinuturo kong mga Zombie na nagsisimula nang magsilapitan sa kinalulugaran namin. They're to noisy kaya malamang ay narinig sila. I know they can't see us, dahil nasisilaw sila sa sinag ng araw, but they can hear and smell us at matutunton nila ang pwesto namin if Tana and Rex keep on yelling each other.





Kahoy lang ang bahay na tinutuluyan namin ngayon at hindi gaano ka-safe, at paniguradong pare-pareho kaming malalagot kapag ipinagpatuloy nila ang ginagawa nila.







Mabilis kong hinablot ang handgun ko at nilagyan ito ng silencer. Damn this stinky-dead-creatures, sila pa yata ang magiging morning exercise ko, tss.



Agad akong lumabas ng kwarto at naabutan ko sina Cass na pinapatamaan na rin ang ibang mga Zombies na papalapit sa pwesto namin. Kaya naman pumwesto ako sa saradong bintana atsaka iyon binuksan nang may kaonting siwang para makabwelo ako sa pag-aasinta sa ulo ng mga walkers na papalapit ng papalapit sa pwesto namin.





Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now