(41) The end [Trial wave]

2.1K 116 48
                                    

2026

After months of research, the cure for infectious disease has been discovered. However, not everyone can be cured, especially those who have been infected and have the virus infiltrated their brain. A victim's best option is to commit suicide in such a way that their brain is destroyed.

Lieutenant Colonel Madrigal together with his alliance in health service command, remained in the Philippines for a long time, carrying the cure from the blood of Zerro and Kiel. All the militaries were staying and finding an infected in Philippines na pwede pa at may chance pa na ma-cure nila. Ang problema nga lang ay kinakailangan silang i-quarantine dahil matagal ang magiging proseso nito.

"Kumusta na kaya si Zerro, 'no?" Nangibabaw ang boses ni Cass, pare-pareho silang nakadantay sa railings ng rooftop ng building kung saan sila ngayon nananatili.

"Grabe, sana lang talaga ay makahanap na ng blood donor niya." Nakasimangot itong bumaling kay Avery na diretso lang ang tingin sa kalangitan, maaliwalas at walang kahit anong senyales na may mangyayaring panganib. Tahimik ang buong paligid at sariwa ang hangin, hindi tulad noon na halos balutin na ng amoy ng mga nabubulok na katawan ng mga buhay na bangkay ang kanilang naaamoy sa hangin.

Sabay na napa-buntung hininga si Avery at Cass, habang si Yves naman ay nananatiling tahimik at naka-pamulsa sa kanyang hoodie na suot-suot.

"Kung alam ko lang na ito ang mangyayari sa kanya, sana hindi na ako pumayag na kuhanin ang dugo niya para pag-experimuntahan, kung alam ko lang na 'yung gamot na lang na 'yun ang tanging gumagabay sa katawan niya, sana pala ay hindi ko na hinayaan pang galawin siya at ako na lang ang ginamit nila. Nakakapanghina lang dahil wala akong kaide-ideya na ito pala ang mangyayari sa kanya, kapalit ng kaligtasan ng buong sangkatauhan." Muli ay namutawi ang katahimikan sa gitna nilang tatlo.

Zerro's not there, he's lying on the bed inside the private hospital, still unconscious. He's undergoing a therapy for almost a month and still looking for its blood donor. Pero sadyang rare ang dugo nito at mahirap talagang hanapan ng blood type niya.

"Huwag kang pang-hinaan ng loob, magiging ayos rin ang kalagayan niya. Sana lang ay kapag bumalik na ang dating kapayapaan ng pilipinas ay bumalik na rin ang malay niya at malakas na siya uli. Sana lang ay wala na uling problema, sana lang ay mabigyan nang hustisya ang bansa natin pati na ang mga inosenteng tao na dapat nabubuhay ngayon, ngunit kinakailangang mawala sa mundo dahil hindi na sila maaagapan pa. Nakakalungkot lang na ganito pala katindi ang paghihirap na mararanasan natin, hindi ko naisip ito noong namumuhay pa lang ako ng normal at iniisip kung gaano ka-exciting ang makipaglaban sa Zombies. Pero na-realized ko, sobrang hirap pala at napaka-bigat sa loob, dahil kahit hindi mo gusto, kailangan mong mag-sakripisyo. Kailangan mo ring pumatay para sa kaligtasan mo, kahit isa pa sa pamilya mo ang kailangan mong alisan ng buhay ay gagawin mo. Nakakaawa, nakakapanghina, nakakapangsisi. Hindi ko na gugustuhin pang mangyari uli ang ganitong problema sa buhay ko." Bawat salitang binibitawan ni Cass sa kawalan, ay tumutusok sa kanyang puso dahil sa kirot na kanyang nararamdaman.

Maaaring tapos na ang laban at paghihirap nila, ngunit hindi maaalis sa kanilang damdamin ang mga galit at lungkot na talagang tumatak na sa kanilang puso. Ang mga buhay na matagal nilang iniingatan at pinoprotektahan ay ganoon na lamang kadali sa kanilang nawala. Ang mga taong inaasahan nilang magiging katuwang nila ay nagawa silang traydurin.

"Masuwerte pa rin tayo dahil ligtas at buhay tayo ngayon, sa kabila ng lahat ng sakripisyong ginawa natin ay nagawa nating makatawid sa tulay ng kamatayan at makapasok sa pinto ng kapayapaan. May mga taong natira pa rin sa buhay natin para gawin nating dahilan para hindi sumuko sa buhay. Nakakalungkot lang talaga na marami na ang nagbago at hindi na maibabalik pa dahil sinira na ng panahon." Si Avery ang nagsalita, may pait ang kanyang ngiti.

Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now