(1): Vaccination

5.5K 257 230
                                    

𝒅𝒆𝒅𝒊𝒄𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐: maize_musique 𝒂𝒏𝒅 AyieshaDienla

Year 2025 in Lumiere Residence, Metro Manila, Philippines

Avery's POV
𝟻:𝟺𝟶:𝟷𝟻 𝚙𝚖; August 15

"Pupunta ka ba ngayon sa health center para magpa-bakuna, Avery?" Tanong ng Auntie ko mula sa kabilang linya ng telepono na matagal nang naninirahan sa United States.

"Hindi na, kailangan pa ba naman 'yon, Tita?" Tugon ko habang nagtitipa sa laptop ko ng panibagong kabanata para sa nobelang ginagawa ko. Kailangan ko na itong matapos ngayong katapusan ng agosto dahil baka tuluyan na akong itakwil ng editor ko kapag mas tinagalan ko pa ang pagpasa nito.

"Bakit hindi? Aba! Ano ka ba naman, Avery! Kailangan mo iyon, mas dumarami na ngayon ang kaso ng covid diyan sa pilipinas! Jusko, naiisip mo ba kung gaano na kahirap ngayon ang mabuhay? Kung hindi ka magpa-pabakuna ay hindi ka nabubuhay ng matagal kahit gustuhin mo! Jusme, antagal-tagal na niyan, hanggang ngayon hindi pa rin nawawala! Mas mabuti ng sigurado nang hindi ka mapahamak. Magpabakuna ka para hindi ka dapuan ng kung anu-anong sakit!" Naghehesterikang sambit nito, bakas rin sa boses ang pag-aalala dahilan para mapabuntung-hininga naman ako sa kawalan.

Pasok sa kabilang tainga, labas sa kabilang tainga.

"Okay, alright, fine. I get it now. Kailangan ko na pong ibaba dahil may tinatapos pa po ako," I replied.

Ayokong magpa-bakuna, dahil bukod sa takot ako sa injection, takot rin ako sa maaaring maging side-effects ng mga pinag-tuturok nila. Kahit pa sabihin nilang safe at effective 'yon, wala pa ring kasiguraduhan na 100% ang magiging mabuting epekto no'n. Hindi ko naman sinasabing wala akong tiwala sa kanila, pero kasi takot talaga ako sa injection, kaya hindi ko magawang magpa-bakuna. Saka na lang siguro kapag puti na ang uwak hehe.

"Bahala na, Tita. Kailangan ko na pong ibaba, itutuloy ko pa po itong sinusulat ko."

"Puro ka sulat, wala ka namang napapala riyan. O'siya sige, ikamusta mo na lang ako kay Zerro." Paalala nito sa roomate kong lalaki na kahit kailan ay hindi ko nakitaan ng paraan para magustuhan ko siya bilang tao.

Nang maibaba ko na ang telepono ay itutuloy ko na sana ang pagtitipa sa laptop ko nang may mag-pop up na notification sa gilid, it's an article.

Hindi naman ako nag-alinlangan na basahin iyon, ngunit nakakapagtaka dahil parang biglang pumantig ang puso ko nang makita ko ito, parang bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. It's kinda suspicious, hindi ko alam kung anong gusto nitong iparating, ngunit hindi ko iyun nagustuhan.

What the hell is this??

Z00000A posted in inquimanila.netx

Z00000A

They know. They see and hear us. This could be the end... Run! Life or Death, Survival Begins!

Metro Manila / 5:48 pm; August 15, 2025.

Andami pang nakasulat na blog pero iyon lang talaga ang nakapukaw ng atensyon ko. Anong ibig niyang sabihin? At sino si Z00000A? Sa dami ng code name ay iyun pa talaga ang ginamit niya, ha? Ah, basta! I don't even know kung babae ba siya o lalaki, pero anong ibig niyang sabihin? The end? Ng ano? At bakit kailangan naming tumakbo? May kailangan ba kaming takasan at pagtaguan?

Lockdown Z [Survival Begins] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon