(36): Feelings

1K 49 1
                                    

2025 Cavite, Philippines
December

Avery's POV
12:06:13 am

Pare-pareho naming sinundan ng tingin ang paghakbang ni Tana papalabas ng studio apartment na pinasok namin. I sighed. Kailangan ba talaga naming maghiwa-hiwalay? Kailangan ba talagang mangyari ang lahat nang 'to?

Binalingan ko ng tingin sina Cass at Santy na seryoso lang ang tingin kay Tana. Mukhang desidido na talaga sila sa mga desisyon nilang sa amin sumama at hindi kay Tana na kaibigan nila.

Wala namang lingon lingon at walang pag-aalinlangang dire-diretso na lumabas ng apartment si Tana. Buo na rin talaga ang loob nito na humiwalay sa amin pagkatapos ng mainit na away nila ni Yves.

Hindi ko rin naman masisisi si Yves sa nangyari dahil kahit anong sabihin nang kahit sino ay may karapatan siyang magalit ng sobra. Kahit ako ay nanghihina sa kadahilanang gano'n kadaling nawala sa amin sina Tita Ana at Kiel, paano pa kaya ang nararamdaman ngayon ni Yves. Malamang ay gugustuhin niya nang mag-isa at humiwalay na rin sa amin.

Napayuko ako at mahinang napa-buntung hininga sa kawalan. I felt so disappointed at myself. Ang kapal ng mukha ko na humarap at pagsabihan si Yves kanina, knowing na ako ang may kasalanan kung bakit nawala si Kiel. Kung tutuusin ay wala akong karapatan o kahit sinuman sa amin na magsalita at diktahan ang kung ano mang dapat maramdaman at gawin ni Yves, dahil wala kami sa posisyon niya.

Lahat kami ay nawalan, ngunit hindi mapapantayan nang kahit anong nararamdaman namin ang lahat ng sakit at bigat ng loob na nararanasan ngayon ni Yves.

Narinig ko ang mabigat na paghinga ni Santy na nasa gilid ko at pabagsak na naupo nang tuluyan nang umalis si Tana at hindi na namin makita pa. Rinig na rinig din namin ang ingay ng takbuhan at atungal ng mga infected na sa tingin ko ay nakuha ang atensyon ng mga ito ni Tana.

Wala ni isa sa amin ang nagsalita, nanatili kaming lahat na nakayuko. Nagawa ko pang tignan ang sugat ko sa paa, natusok ako kanina ng salamin na bubog na nanggaling sa mga sasakyan na sumabog, kaya naman ganito na lang ang pagdudugo. Sunod kong tinignan ay ang sugat ko sa binti, mapait akong napangiti. Simula pa lang noon ay lampa na talaga ako kahit pa ipinanganak akong may taglay na lakas, kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit ganito na lang karami ang mga sugat at galos na natatamo ko. At hindi na rin ako magtataka kung isang araw ay susuko na ang katawan ko.

Sabay-sabay na napaangat ang tingin naming lahat at nasira ang kanina pang katahimikan na namumuo nang tumayo si Yves mula sa pagkakasalampak sa sahig. Hawak hawak pa rin nito ang mga armas niya. Basang-basa rin ang katawan lalo na ang mukha niya.

Tumingin kaming lahat sa kanya nang lumapit ito sa elevator.

"Maghahanap ako ng kuwarto sa taas. Bahala na kayo, huwag niyo na rin akong hanapin." Malamig ang tono nito. Hindi siya lumingon sa amin, bagkus ay pinindot niya lang ang button sa elevator dahilan para bumukas ito at pumasok siya roon, hanggang sa sumara na ang elevator.

I loudly sighed bago tumayo, sumunod naman si Zerro na inalalayan pa ako. Pero nginitian ko lang siya at sinabing ayos lang ako.

"Mas mabuti kung magsasama-sama tayo sa iisang kuwarto, para bukas ng umaga ay sabay-sabay tayong aalis. Kailangan na nating kumilos dahil nauubusan tayo ng oras, hindi natin alam kung kailan darating ang mga rescuer, kailangan mauna tayong makarating sa kanila sa headquarters." Pagpapaliwanag ko, tumango naman si Cass na tumayo na rin.

Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now