(3): The Night Eats the World

2.5K 162 31
                                    

𝒅𝒆𝒅𝒊𝒄𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐: Crema_Boba , ElysianVirago 𝒂𝒏𝒅 LadyTorment


Lumiere Residence, Pasig, Metro Manila Philippines
Friday

Avery's POV
—  7:00:13 pm —

HABANG patuloy na lumilipas ang oras ay patuloy din na binabalot ng dilim ang mundo. Dilim na hindi mo na matutukoy kung magiging ligtas pa ba ang buhay mo. Dahil sa oras na ito ay hindi na mga tao ang na sa paligid at makakasalamuha mo. At sa oras na humakbang ka papalabas sa kinalulugaran mo ay paniguradong kapahamakan at kamatayan ang sasalubong sa iyo.

Hindi ko maiwasang manlata habang pinagmamasdan kung paanong balutin ang gabi ng isang malalakas na sigawan, takbuhan at patayan ng mga taong hindi ko alam kung ano at saan ang pinagmulan.

Muntikan pa akong maduwal nang masaksihan ko kung paanong pagtulungan ng mga hindi matukoy na nilalang na ito na sinimulang pag-pyestahab at kainin ang lamang loob ng isang matabang lalaki at halos gutay-gutayin na nila ang katawan nito. Napakabilis ng mga pangyayari, ang liliksi nilang kumilos at ang mas malala ay hindi sila namamatay kahit pa nakagat o nakain sila. Bagkus ay muli silang nabubuhay at bumabangon ngunit hindi bilang tao, kundi bilang parang isang delikadong hayop na sa oras na nilapitan mo ay hindi ito magdadalawang isip na pagpiyestahan ang katawan at lamang loob mo.

Nakakadiri. Nakakatakot at Kakila-kilabot na hindi mo gugustuhing makaharap ni isa sa mga katulad nila.

"What the hell.." Rinig kong bulalas ni Zerro na nasa tabi ko nang pareho naming masaksihan kung paanong tumayo ang isa na halos laylay na ang mata at kalahati na lang ang ulo. Bali na rin ang kamay nito. Napalunok ako sa gulat nang mabilis nitong sinugod ang isang sasakyan na dumaan at walang alinlangan niyang sunod-sunod na inumpog ang ulo niya sa glass ng kotse na parang wala na talaga siya sa sarili niyang katinuan, dahilan nang pagkaka-durog at pagkaka-basag ng mga salamin na nakaharang sa harap ng sasakyan.

Napatakip na lamang ako sa bibig ko nang sunod-sunod na nagsitakbuhan ang iba pang mga kauri nitong infected patungo sa sasakyan at walang pasabing dinumog at pinasok ang sasakyan nito.

Kabado akong napahawak sa dibdib ko dahil sa sobrang takot at gulat na nararamdaman ko.

"Halika na." Naramdaman ko na lang ang paghila ni Zerro sa kamay ko at ang pagpapa-upo niya sa akin sa sofa ng sala.

Saglit ko siyang tinignan at alam kong natatakot na rin siya pero sinusubukan niyang hindi iyon ipakita dahil ganoon naman siya lagi. Ipinapakita niyang ayos siya at kaya niya kahit hindi naman talaga, and I hate it.

Pareho naming itinuon ang atensyon sa TV nang buksan niya ito at ilipat muli sa balita.

"𝘛𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘣𝘦𝘦𝘯 𝘮𝘶𝘭𝘵𝘪𝘱𝘭𝘦 𝘪𝘯𝘤𝘪𝘥𝘦𝘯𝘵𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘧𝘪𝘳𝘦𝘴 𝘤𝘶𝘳𝘳𝘦𝘯𝘵𝘭𝘺 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳𝘯𝘰𝘰𝘯. 𝘎𝘔𝘈 𝘕𝘦𝘸𝘴 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘳𝘷𝘪𝘦𝘸𝘦𝘥 𝘵𝘩𝘦 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦 𝘕𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘗𝘰𝘭𝘪𝘤𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘵𝘩𝘦𝘺 𝘢𝘤𝘬𝘯𝘰𝘸𝘭𝘦𝘥𝘨𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘳𝘪𝘰𝘵𝘴 𝘪𝘯 𝘝𝘢𝘭𝘦𝘯𝘻𝘶𝘦𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘥 𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘥𝘪𝘴𝘵𝘳𝘪𝘤𝘵 𝘣𝘶𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘺 𝘥𝘪𝘥 𝘯𝘰𝘵 𝘮𝘦𝘯𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘤𝘢𝘭𝘦 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘰𝘴𝘦 𝘢𝘵𝘵𝘢𝘤𝘬𝘴. 𝘈𝘯𝘥 𝘪𝘧 𝘵𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘢𝘯𝘺 𝘪𝘯𝘫𝘶𝘳𝘪𝘦𝘴, 𝘵𝘩𝘦𝘺 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘯𝘰 𝘢𝘯𝘴𝘸𝘦𝘳𝘴 𝘧𝘰𝘳 𝘯𝘰𝘸. 𝘛𝘩𝘦 𝘨𝘰𝘷𝘦𝘳𝘯𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘩𝘢𝘴 𝘧𝘪𝘳𝘦𝘴 𝘤𝘦𝘯𝘵𝘦𝘳 𝘢𝘳𝘰𝘶𝘯𝘥 𝘗𝘢𝘳𝘢𝘯̃𝘢𝘲𝘶𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘵𝘰 𝘧𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘪𝘨𝘶𝘰𝘶𝘴 𝘷𝘪𝘳𝘶𝘴-"

Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now