(29) Plan

1K 53 2
                                    

2025 Metro Manila, Philippines
Thursday

Zerro's POV
3:31:02 pm

Isang mabigat na buntung-hininga hininga ang pinakawalan ko habang iniinda ang sakit ng ulo ko. Banda sa gilid ng noo ko ako nasugatan kaya naman pakiramdam ko ay kahit anong oras mandidilim ang paningin ko at matutumba ako dahil sa hilo na nararamdaman ko.

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit ng pagtama ng sintido ko sa matigas na sahig nang bumagsak kami pareho ni Santy kanina. Patagilid ang bagsak ko at hindi ko inaasahan iyon, lalo na at nadaganan ko rin ang sarili kong braso kaya naman hinang hina ang buong sistema ng katawan ko ngayon. Pakiramdam mo ay kaonti na lang bibigay na ako.

"Punasan mo muna nitong basang tela iyang sugat mo, para mamaya kapag nakakuha na tayo ng gamit at gamot sa hospital ay gagamutin ko na lang." Umangat ang tingin ko sa lalaking nag-abot ng telang basa sa akin.

It's Kiel.

I sighed.

"Hindi na, kaya ko pa." Sagot ko at iniiwas ang tingin. Sa totoo lang ay hindi ko gusto ang ginawa niya kanina.

Bakit siya nando'n? Anong ginagawa niya kanina do'n?

I was about to pull Avery kanina matapos kong patumbahin 'yung infected na sumugod sa kanya, pero naunahan niya ako. Bahagya pang bumagsak ang balikat ko nang maramdaman ko ang pangangalay no'n nang dahil sa ginawa kong pwersang pagpatay sa isang infected na sumubok sumugod kay Avery.

I scoffed. Why do I even need to do that? Bakit kailangan ko pang tadtarin ng bala 'yung infected kahit patay naman na? Naaasar ako.

"Nahihilo ka ba? Huwag ka munang hihiga at masiyadong gagalaw hangga't hindi pa natin nagagamot 'yang sugat mo." Paalam nito, ngunit hindi ako sumagot at nanatiling nakaiwas at malayo ang tingin.

"Thank you, Kiel. Ako na lang ang magpupunas sa kanya. He's probably tired." Binigyan ng pilit na ngiti ni Santy si Kiel bago niya kunin ang hawak nitong tela. Tumango pa muna ito bago puntahan 'yung tatlong survivor na iniligtas din namin kanina.

"Ayos ka lang? Bakit bigla kang sumungit?" Nakangiwi niyang tanong, buntung-hininga naman ako.

"Gusto kong mahiga," kunot ang noong sambit ko dahil nahihilo talaga ako. Sa tingin ko ay napalakas ang pagkabagok ko kanina.

"Hindi ka raw pwedeng mahiga," pag-uulit niya sa sinabi ni Kiel kanina, dahilan para mapapikit na lang ako habang nakahawak sa braso kong nanghihina rin.

"Bakit mo ba kasi ginawa 'yon?" Tanong ko sa kanya, inosente naman siyang tumingin sa akin.

"Ang alin?" Kunot noong tanong niya.

"Yung kanina, bakit kailangan mo pang gawin 'yon?" Tanong ko, napaisip naman siya saglit.

"Kung bakit kita itinulak? Edi nalapa ka na ng mga 'yon kung hindi pa kita pinuntahan at itinulak?" Tanong niya saka ako inirapan na para bang naaasar siya sa tanong ko.

"And your reason why'd you do that?" Tanong ko pa rin.

"Kasi na sa iba 'yung atensyon mo! At kung hindi pa kita itinulak kanina ay baka isa ka na sa mga 'yon. Tss, ewan ko ba naman sa'yo. Mukha kang galit na galit kanina nung pinatay 'yung isang infected, tapos hindi mo manlang namalayan na may papasugod sa'yo. Inutil ka ba? Masiyadong tutok ang atensyon mo sa iba, hindi mo alam mapapahamak ka na." Hindi makapaniwalang sambit niya. Naiiiwas ko naman ang tingin ko.

Lockdown Z [Survival Begins] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon