(21): The Truth Untold

1.1K 75 6
                                    



Metro Manila, Philippines
December 2025

Zerro's POV
— 5:13:52 pm —

NANATILI akong nakatayo sa tapat ng isang pintuan kung saan ang kwarto na hindi ko pa napapasukan. Hindi ko natanong kung saan ang kwarto ni Avery kaya naman nangangapa pa ako sa bawat kwartong bubuksan ko. Malaki ang bahay at masiyado akong namamangha kakaisip kung paano sila napunta rito. Ang pagkakatanda ko ay nagkahiwa-hiwalay kami noong oras din na dapat ay maghahanap palang kami ng tutuluyan.




Pero ngayon ay hindi na iyon importante pa dahil madaming isipin ang bumabagabag saakin. Ang mga sinabi ni Kiel saakin kaninang nag-uusap kami sa campervan, pati na rin ang sinabi ni Tita Ana. Lahat ng iyon ay tungkol kay Avery at hindi ko alam kung paano akong magre-react. Ni hindi ko nga alam kung tama bang pumasok ako sa kwartong ito para makita siya. Nalaman kong ako ang dahilan kung bakit nagkasakit ngayon si Avery.






Gusto kong magalit sakanya dahil hinayaan niyang mangyari 'yon sakanya. Aaminin kong natuwa ako noong sinabi saakin ni Kiel na hindi ako nawala sa isip ni Avery simula noong nagkahiwa-hiwalay kami. Pero naguilty ako noong sinabi niya rin na simula noon ay palagi na siyang stress at minsan pa ay wala sa sarili. Ibinubunton pa kung madalas sa mga infected na nakakasalubong nila ang galit niya dahil sa isiping baka naging isa nalang ako sa mga ito nang dahil sa sobrang tagal na ng panahon ay hindi pa rin nila ako nakikita.





Hindi ko naisip na mangyayari iyon. Hindi ko alam na sobra siyang mag-aalala saakin dahil ang akala ko ay mas matutuwa pa siyang wala ako sa tabi niya dahil parati kaming magkaaway, pero lahat ng iyon ay mali. Talagang nagulat ako sa mga nalaman ko at nakaramdam ako ng sama ng loob sa sarili ko. Naghihirap silang hanapin ako sa loob ng anim na buwan habang ako ay masaya at maayos ang kalagayan dahil sa wakas ay nakasama ko ang babaeng iniwan ko noon nang hindi manlang ako nagpapaalam.





Ilang minuto pa akong nagtagal na nakatayo lang sa tapat ng pinto na 'yon at panay ang pakikipag-talo sa isipan kung papasok ba ako o hindi. Saglit ko pang hinawakan ang door knob at pipihitin sana iyon upang buksan ngunit agad akong nagulat nang kusa na itong bumukas.





"Zerro." Bumungad saakin si Kiel habang may bahagyang nakakurba na ngiti sa labi nito. Ngiti na hindi ko malaman kung masaya ba siya o ano dahil na rin sa pag-aalalang nakikita ko sa mga mata niya.





"Anong ginagawa mo diyan? Why don't you come in?" Mas binuksan niya pa ang pintuan kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na masilip ang loob ng kwarto. At doon ko nasilayan ang isang babae na mahimbing na natutulog. Malakas pa rin ang ulan sa labas at ring na rinig ko ang malalakas na patak ng ulan nito. Kaya naman dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko papasok sa loob ng silid.





Nang tuluyan kong masilayan ang mukha ni Avery ay dumaloy sa buong katawan ko ang kuryente at ang pagkatuwa. Naramdaman ko rin ang pagkabasa ng gilid nang aking mata kaya naman bahagya akong napalunok at napahinga ng maluwag.






Saglit kong naramdaman ang pangungulila dahil sa tagal ng buwan na hindi ko siya nakita at nakasama. Gusto kong magalit at sermonan siya dahil imbis na makita ko siyang malakas at ineexpect ko na aawayin niya ako kapag nakita ko siya ay iba ang nangyari, nangibabaw sa katauhan ko ang kagustuhang yakapin siya ng mahigpit dahil sa nakikita ko siya ngayong nakahimlay at nanghihina ang katawan.




Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now