(8): Lumiere Residence

1.7K 128 64
                                    

dedicated to: Winterlyie


𝚁𝚘𝚘𝚖 𝟹𝟷𝟶 𝚊𝚝 𝙻𝚞𝚖𝚒𝚎𝚛𝚎 𝚁𝚎𝚜𝚒𝚍𝚎𝚗𝚌𝚎, 𝙿𝚊𝚜𝚒𝚐, 𝙼𝚎𝚝𝚛𝚘 𝙼𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊

Weeks passed..

Avery's POV
—  𝟹:𝟶𝟼:𝟶𝟼 𝚙𝚖 —

IT'S BEEN almost two weeks since the unknown virus has been invading the whole philippines. And I never imagined that I could last this long without getting harm or even bitten by those undead creatures.



Pero hindi na rin ako natutuwa na kahit tumagal pa kami ng isang taon na buhay ay pakiramdam ko mamamatay na rin ako dahil halos wala na kaming makain at mainom ngayon sa lugar namin.




The last time I remember nang iligtas kami nila Tita Ana, Kiel at Yves ay napag-usapan namin na aalis kami sa lugar na ito. Well it happened, we tried, for a damn plenty of times. But we keep on failing dahil hindi namin sila kaya, masiyado silang maliliksi at malalakas. Hindi sapat ang armas at lakas na meron kami para lang malabanan sila.





"Tangina, hindi ko na talaga kaya, kahapon pa kumakalam 'tong sikmura ko. Gutom na gutom na ako." Nakahawak sa sikmura na reklamo ni Yves, ubos na rin ang mga stock na pagkain na dala namin ni Zerro simula nang dumating kami dito kaya wala na talaga kaming makain. Hindi yata kami mamamatay sa mga Zombie na 'yon, kundi sa gutom. Tss.





"We can't do anything about it. Magtiis ka." Kunot noong tugon naman ni Kiel kay Yves na inirapan lang siya. Habang si Zerro at Tita Ana ay nasa veranda may pinag-uusapan. Hindi ko alam kung tungkol saan pero hindi ko na iniisip pa dahil kumakalam na rin ang sikmura ko dahil sa gutom.






"Are you okay?" Nabaling ang tingin ko kay Kiel nang mapansin kong nakatingin ito saakin at itanong iyon. Agad ko namang inayos ang sarili ko at hindi nagpahalatang gutom na rin ako, ayoko ng dagdagan ang problema nila dahil alam ko namang pare-pareho lang kaming gutom na.




"Oo naman, kayang-kaya ko pa." Nakangiting tugon ko saka binalingan si Yves na ngayon ay sinisipat ang baril niya.




"Here, eat this." Muli akong napalingon sa direksyon niya nang mapansin ko na may inabot siya sa akin. Ibinaling ko naman ang paningin ko sa kamay niya na nakalahad sa harapan ko at napagtanto na isa palang candy na dynamite ang hawak niya.





"Para sakin?" Mahinang tanong ko sakanya na ikinatango niya naman agad bilang tugon, bahagya naman akong napangiti, sino ba naman ako para tumanggi pa. Agad kong tinanggap 'yon at binuksan para makain, hindi na pinansin kung magmukha man akong dead-hungry sa harap ni Kiel.





"Naubos na lang 'tong bala ng baril ko sakanila hindi pa rin tayo nakakaalis dito." Kunot noong sambit ni Yves, paano ay iisang baril lang ang meron siya at paubos na ang bala no'n, habang si Kiel naman ay golf putter lang ang armas, si Zerro naman ay baseball bat lang ang meron. Samantalang ako ay yung bakal na matulis pa rin ang gamit, si Tita Ana naman ay wala pero kayang-kaya niyang labanan ang mga 'yon dahil magaling siyang mag-taekwondo, judo at karate. Malas nga lang namin dahil mas malalakas at mautak ang mga Zombie na 'yon kaya wala talaga kaming lusot.






"Nakaisip na kami ng plano." Pare-pareho nabaling ang atensyon namin sa direksyon ni Tita Ana at Zerro nang lumitaw ito sa gilid namin at naupo sa katabing sofa.





Lockdown Z [Survival Begins] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon