NYOWL - 42 ☆

758 26 3
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

42nd Episode

[ MacJul Sidestory Pt. 4 ]

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────





Macky's POV



Ilang beses kong sinasabi sa sarili kong kakayanin ko 'to.

Ilang beses. Sa magkakaibang panahon. Sa magkakaibang sitwasyon. Sa magkakaibang problemang pinagdaanan ko. Pero eto. . .

Etong pag-alis ni Daddy sa buhay ko, kaya ko ba? Kaya ko nga ba?

Siguro.

Pero hanggang kelan? Ang sakit. Ang sakit mawalan ng ama. Nung iniwan kami ni Mommy, madaling na-process ng utak ko kung bakit. Madaling lumipas yun sa'kin. Pero si Daddy. . . ang taong nagpalaki sakin, tumanggap sakin, nagmahal sakin- yung taong nagtiis ng hirap mag-isa para palakihin ako. . . ngayong wala na siya, ibang usapan yon.



Dear anak,

      Sinulat ko 'to isang araw nung bigla kitang naalala. Nung biglang nagbalik ang ala-ala ko na parang hindi ko naman sila nakalimutan? Alam kong minsan lang mangyari ang mga ganitong pagkakataon... kaya gusto kong sabihin lahat ng kelangan kong sabihin.

      Una, sorry sa lahat anak ha? Alam kong mahirap sa inyo ang alagaan ako. Alam ko ring mahirap ang hiningi ko sayo noon na wag akong ipa-ospital. Masaya akong manatili dito sa salon kung saan kita pinalaki. At kung dito ako mamamatay, masaya akong mamamatay. 

Pangalawa, salamat sa lahat anak. Macky, salamat dahil kinilala mo akong ama kahit na ganito ako. Salamat dahil hindi mo ko kinamuhian dahil nawala ang Mommy mo sayo... nang dahil sakin. Salamat at minahal mo ko bilang magulang. Salamat dahil naging mabuti kang anak.

     At huli, sana tandaan mong mahal na mahal kita. Kahit alam kong babalik nanaman sa dating hindi nanaman kita matatandaan... sana maalala mong mahal kita. 

Mahal kita, anak. 

Mahal kita, Macky.


Ngayon, nakatitig ako sa mukha ni Daddy.

Kinukumbinsi kong natutulog lang siya sa loob ng kabaong. Natutulog lang siya at magigising din pag tinitigan ko siya. Mahihiya siya at tatawa at sasabihing, "Wag mo nga kong titigan anak! Nagba-blush ako." 

*smile*  Parang noon lang. . . nung bata pa ako.

Nung okay pa ang lahat.

"Kumain ka muna, Macky," sabi ni Cue sakin.

Umiling ako.

Not Your Ordinary White LadyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt