NYOWL - 37 ☆

842 30 1
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

37th Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────



Suho's POV




"CONGRATULATIONS!" pumalakpak ang lahat sa announcement ni Jason tungkol sa kasal nila ni Inna. Ang simpleng dinner sana, nauwi sa bonggang handaan.

"Please welcome, my soon-to-be-wife and soon to be Mrs. Calimlim! My fiance, Inna!" ^__^

At nagpalakpakan ulit ang lahat nang lumapit si Inna sa tabi ni Jason. Inakbayan siya nito. I know, I should be happy for them right now. Pero hindi ako makangiti. *tingin sa girl's room* Lalo pa't alam kong nandun sa loob ng kwarto si Ami. . .

Umiiyak.

Akala ko. . . kapag nagising na siya sa katotohanang hindi siya magugustuhan ni Jason, mas madali na ang mga bagay bagay.

Pero hindi pala. Iniisip ko na lang ngayon na sana siya na lang ang pinili ni Jason. Para. . . hindi ko na makita yung mukha niyang nahihirapan. Para hindi na siya nasasaktan.

Bakit ang bigat ng pakiramdam ko?





────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Ami's POV

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Walang nagtanong kung anong nangyari sakin.

At mas mabuti na yun. Sinabi ko na lang na masakit yung tyan ko. Buong gabi akong umiyak habang nakataklob ng kumot. Iniisip ko kung bakit ako nasasaktan nang ganito. Ang babaw ko. Sandaling panahon ko lang nakasama si Jason pero. . .

Bakit nasasaktan ako na parang matagal ko na siyang mahal?





────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Suho's POV

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Maaga akong nagising.

Ang dilim pa pero sigurado akong madaling araw na. -__- Kung bakit kasi hindi ako makatulog kagabi eh. Hay.

Paglabas ko ng kwarto, natigilan ako sa nakita ko sa balcony. Si Ami, nakaupo sa isang upuan, niyayakap ang mga tuhod niya at nakatingin sa langit na puno ng stars.

Lalapitan ko ba siya?

In-unzip ko ang hoodie ko at lumapit sa kanya. Hindi siya tumingin sakin kahit isang beses. Kahit nung sinuot ko sa kanya yun. "Hindi ka ba nalalamigan?" tanong ko.

Not Your Ordinary White LadyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum