NYOWL - 28 ☆

1.2K 31 1
                                    




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

28th Episode

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Macky's POV



Tingin kay Suho.

Tingin kay Ami.

Tingin kay Suho. Kumagat siya  sa tinapay.

Tingin kay Ami. Uminom siya ng tubig.

"Oh great. So hanggang kelan kayo di magpapasinan? -___-" tanong ko.

Nabuga ni Ami ang tubig at nabulunan naman si Suho.

Binigyan ko agad si Suho ng tubig at mukhang mamamatay na ata -__-  Agad nya itong ininom at parehas silang hindi nagsalita.

Pano ba naman kasi! Parang ghost town ang hapag-kainan habang nasa gilid ko sila pareho. Di nagpapansinan, feeling mo hindi nage-exist ang bawat isa. -__-

"Mga neng, mga toy. Ano bang pinag-awayan nyo ha? Remote? Tiktok? O baka naman meme na di magets nung isa?" tanong ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Suho. "Ewan ko dyan." pertaining to Ami.

"Hay nako, di ko alam dyan sa kaibigan mo Macky kung anong problema niya," sabi naman ni Ami.

"...*clear throat*...Akala mo naman wala sa harap nya yung pinapatamaan niya." –Suho

"Nagsalita ang gumagawa nun." –Ami

"Pwede naman kasi niya akong kausapin ng deretso, hindi yung dinadaan pa nya sayo diba Macky?" aba at nasali pa ako!! -__-

"Aba malay ko sa inyo!" sagot ko. "Try nyo mag-usap ng matino! -__-"

"Eh siya nga 'tong isang linggo akong hindi kinausap at pinansin at siya pa ang may ganang mag-demand ngayon! Tama ba yon, Macky?!" –Ami

"Tama!" sagot ko. Nag-glare sakin si Suho. "Oh baket? Mali naman talaga yung ginawa mo eh!"

"Hindi niya kasi naiintindihan ang dahilan ko! At ayaw niya akong intindihin! Tsaka eto na nga, sinamahan ko na siya kumain, meaning binibigyan ko na siya ng chance pero siya naman ang di namamansin!" –Suho

"Aba at ako pa ngayon ang hindi nakakaintindi! WOW! Mabuti nga sa kanya at nararamdaman niya na ang nararamdaman ko nitong linggong 'to! Hindi ko siya papansinin hanggang matuyo ang dila ko! Hmp." –Ami

"Oh pano matutuyo ang dila nya kung salita siya nang salita dyan at imbis na kausapin ako ay kinakausap ka Macky kahit malinaw naman na hindi ikaw ang topic dito!?!" –Suho

"Eh kung kausapin niya na kaya ako nang deretsahan para matapos na 'to?!" –Ami

"Siya muna!" –Suho

Not Your Ordinary White LadyWhere stories live. Discover now